chapter 2

52 4 3
                                    

ANTHOPHILE

9 day's nalang pala at ang birthday ko na, ilang taon na nga ulit ako 34 na ngunit wala pa rin akong napapangasawa, bakit nga ba?.

Dahil hanggang ngayon umaasa--hindi nag hihintay pa rin ako sa kaniya na baka sakaling isang araw babalik siya saakin na sasabihin niya saakin na ako ang gusto niyang makasama hanggang sa pag tanda.

"Tanza!, Tanza!." Sigaw ng isang barker na kinukumpas kumpas pa ang kaniyang kamay na parang sinasabi ay sumakay na, agad naman akong sumakay roon sa jeep.

Doon ako sumakay sa may bandang pintuan o labasan ng jeep ay dahil una para maka labas agad ako pangalawa ay ayoko ng nag aabot ng bayad nakakangalay kasi iyong maya't maya mong itataas ang kamay mo para lang iabot ang bayad sa driver.

Dalawa nalang ay mapupuno na ang jeep at aalis na, habang tinitingnan ko ang kabuuan ng jeep nakita ko ang iba't ibang emosyon sa mukha ng mga naka sakay, ang aga aga palang ay parang pauwi na ang mga itsura ng mga ito, pero may mangilan ngilan naman na maaliwalas ang mukha.

"Usog ho iyong nasa kanan para maka alis na itong jeep isang pasahero nalang." Sabi iyon ng barker kaya naman umusog nako.

Pag ka usog ko may isang lalaking umakyat ng jeep na sinasakyan ko at umupo sa tabi ko, may hawak itong isang bouquet ng bulaklak na sa tingin ko ay isang FREESIA.

"Bakit?."

Nagulat ako dahil bigla siyang nag salita, tiningnan ko ang kaniyang mukha kung saan ba siya nakatingin nang makita kong saakin din siya nakatingin ay napa kunot ang noo ko.

'huh?, Anong bakit?.'

Nginitian niya ako at inamoy ang bulaklak.

"Bakit ka naka tingin sa bulaklak na hawak ko, gusto mo ba?." Nakangiting sabi niya sakin.

"Ah hindi, bihira lang kasi akong maka-kita ng ganiyang bulaklak dito sa trece." Sagot ko sa kaniya.

"Ah ito ba?, sa antophile shop ko ito binili, ang ganda diba?." Sabi niya.

"Teka, kanino mo ba ibibigay iyang bulaklak? Ang saya mo kasi." natatawang sabi ko.

"Sa misis ko kay FREESIA, Manong para! Dito nalang ho!." Sabi niya at agad na bumaba ng jeep.

FREESIA ang ganda naman ng pangalan ng asawa niya.

Kailan kaya ako mag kakaasawa, bakit ba iyun ang iniisip ko?.

-------------------------------

"Buti maaga ka ngayon ma'am?." Si jhin lang pala.

"Nakaka-panibago ba?."

Nag tawanan lang kami, bumalik siya sa ginagawa niyang pag aayos ng bulaklak habang ako naman ay may chinecheck sa listahan ko ng bulaklak nang may pumasok sa shop namin.

Nang makita ko kung sino iyon, gusto kong lumapit sa lalaking iyon at yapusin tapos sasabihin ko ay miss na miss na kita.

Kaso hindi na pwede dahil alam kong kaya siya nandito ay dahil bibili siya ng bulaklak at ang bulaklak na bibilhin niya ay para sa taong mahal niya, ang girlfriend niya.

"Ikaw pala, anong bulaklak ang bibilhin no?, tulip ba ulit?." Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Hindi, Tuesday kasi ngayon e ang gustong bulaklak ng girlfriend ko ngayon ay DAISY, isang bouquet of DAISY, Stock."

"H-huh?." Gulat na sabi ko, nakangiting kinunotan niya ako ng noo.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tinawag si jhin para mag handa ng isang bouquet ng daisy.

Tuesday? Daisy? Bakit parang parehas kami ng gusto ng girlfriend niya?.

"Sir ito na po, narinig ko iyong sinabi niyo kanina na gusto ng girlfriend niyo ang daisy tuwing Tuesday, parehas sila ni ma'am stock." Biglang singit ni jhin at inabot ang 1 bouquet of daisy sa lalaking nasa harapan namin.

"Parehas kayo ng girlfriend ko." Nakangiting sabi niya. "Ito iyong bayad sa bulaklak" sabi niya at inabot iyon sakin.

Nginitian ko lang siya, aalis na sana siya ng biglang mag salita ulit si jhin.

"Sir, ano bang pangalan niyang girlfriend mo?." Pati ako nag hihintay ng isasagot niya kaso parehas lang kami ni jhin na nadismaya sa sinabi ng taong nasa harapan namin.

"Sa susunod." Sabi niya at umalis na.

----------------------------

Hanggang ngayong gabi ay iniisip ko pa rin kung sino ang girlfriend niya.

Sana maalala niya ako kahit sandali lang, kasi umaasa pa rin ako na baka isang araw bigla siyang susulpot sa harapan ko at sasabihing mahal niya ako.

Kaso alam kong hindi na mangyayari iyon kasi halata naman na masaya na siya sa girlfriend niya ngayon.

*******

A/n:
       Hello sa inyo plss vote and comment guys pa share na rin salamat.



Follow me on my instagram @itsmeswaeg

AnthophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon