Chapter 9

645 42 15
                                    

Saffira Scarlett P. O. V.

Na sa tapat na kami ng palasyo ng aking ama. May higit 20 na hagdaan ang dapat akyatin bago makarating sa tapat ng giant double door. Gawa ata ito ng ginto o bakal na kinulayan lang ng kulay ginto. ugh! It's not my business anyway. Na patingala ako at may flag o logo ulit ng kaharian ang nasa tuktok ng bubong ng kaharian.

One of the guard accompanied me to enter the palace to announce that I'm already here. Grabe nakaka hingal pala ang pag-akyat ng hagdaan, partida 20 plus yung baitang ng hagdan. Finally nasa harap na kami ng giant double door. May dalawang guard ang nakabatay sa magkabilang side. Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang dalawang naglalakihang pinto. Wow! High tech sana all!! pumasok na kami. Ang pagpungad saamin ay ang mahabang karpet na kulay red, ang malinis at makintab na marmol na sahig, sa harap ay may mini stage duon. Na patingala ako at nanlaki ang dalawa kong mata at halos malaglag na ang panga ko dahil sa Nakita ko. Na pakagara at naglalakihang chandelier at gawa pa ito sa gold. hindi naman siguro sila namumulubi sa pagbili o pag costomize ng mga to ano? Sa tingin ko itong pinasukan naming ay hall o dito ginaganap ang piging dito sa palasyo.v

Nabalik lang ako sa ulirat ko ng tumikhim ang kawal na kasama ko kaya napa ayos naman ako at nginiwi-an ko lang siya. Tumuloy na kami sa paglalakad. Sa bawat pintuan dito ay may mga kawal na nakabantay. At mga maid na naglilinis sa bawat sulok ng palasyo. Kapag dumadaan ksami sa kanila ay napatigil sila sa kanilang ginagawa at tinititigan ako ng nandidiri at pag kamuhi nila saakin. Pag nalalagpasan namin sila ay nag bubulungan sila, ewan ko lang kung bulong pa bayun eh rinig na rinig ko naman. Humarap ako sa kanila  at tinignan ng masama kaya napaiwas sila ng tingin at bumalik sa kanya kanya nilang gawain.

Mga ilang liko at lakad ang ginawa namin ng sa wakas tumigil na kami sa paglalakad. Nasa harap kami ngayon ng malaking double door na kulay Red. Sa taas nito ay may naku-ukit na simbolo ng throne room. May dalawang kawal ang naka bantay. I guess dito ko matatagpuan ang  ama ko.

Sinenyasan ng kasama ko ang mga kawal na buksan ang pinto. Nang pabukas na ay pumikit muna ako at huminga ng malalim. Sa wakas makikita ko na ang mga taong nagpahirap at magpapahirap sa katawang to.

Ng marinig ko na ang paglangit-ngit ng dalawang pinto na sa harap namin ay umayos na ako ng tayo at naghanda na sa anong mangyari sa oras na nakaharap ko ang mga taong magpapahirap sa'kin. Nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay pumungad sa'min ang red carpet patungo sa limang naglalakihang upaan na kasalukuyang naka-upo don ang mga taong naghihintay sa'kin. sa taas naman ay dalawang nag lalakihang chandelier sa tingin ko ay purong ginto ang mga yon. pati ang inuupuan nila ngayon ay purong ginto. mahilig talaga sila sa kulay ginto at pula no?? buti hindi sumasakit ang mga mata nila dahil sa pagkintap ng ginto pag tumatama sa araw o ilaw. Ako ngang unang naka tapak dito sa palasyo ay sumasakit na ang dalawang mata ko sa pagkislap ng mga ito.

Naglakad na kami papunta sa mga taong naghihintay sa'kin, "Paumanhin kamahalan, ngunit naririto na po ang ikatlong prinsesa!" Anunsyo ng kawal na kasama ko at yumuko bago umalis. This is it. It show time!

Palihim akong ngumisi at yumuko para magbigay galang sa mga taong na sa harap ko ngayon. Ngumiti ako ng matamis sa lalaking may edad 35 pataas. Hindi ma pagkakaila na may hitsura ang aking ama. Kulay Sky blue ang kanyang mga mata at dark brown ang kanyang buhok. Matangos ang kanyang ilong, meron siyang Tan skin at ang tangkad niya siguro ay 5'8. No wander

"Pinapatawag niyo daw ako ama?" Diniinan ko ang salitang ama habang nakangiti parin sakanya ng matamis. Inilipat ko ang tingin sa kaliwa na katabi ng aking ama. Isang babaeng mga 30s pataas ang kanyang edad at katabi niya naman ang isang dalagitang babae. I think mas matanda siya saakin ng ilang taon.

"Pinatawag kita dahil sa nangyaring kaguluhan sa Crystal mansion nu'ong isang araw at kahapon."  Na pataas naman ang dalawang kilay ko at napakurap ng ilang beses.

"Ama--"

"Ano? Magdadahilan ka na naman ba?!" Masyadong exaggerated si father.

"Ama! Pinapakain nila ako ng mga sirang pagkain!" "Hindi ba't prinsesa ako?! Pero bakit hindi nila ako nirerespeto at ang Malala pa ama sina saktan nila ako!" Katwiran ko sa kanya.

"Para yun lang?! Nagawa niyong gumawa ng gulo! Ano nalang sa sabihin nang iba?!" Napairap naman ako sa sinabi niya. Nila-lang niya ang maling trato nila sa akin at lalong inaalala pa niya ang reputasiyon niya kaysa saakin.

Mag sasalita pa sana ako ng nag salita ulit siya. "At nagawa mo pang sagut-sagutin at sinisigawan si first Concubine Orsela!" Napatingin naman ako sa kanan niya. Nakangisi ngayon saakin si Orsela. Tinignan ko lang siya ng masama at na patingin sa katabi niya. Mas matamda siya saakin ng ilang taon. Siya na ata ang kapatid ko sa ama na si... si I forgot her name same sa batang babae kanina. I dont care any way. Inirapan niya naman ako kaya tinaasan ko siya ng kilay aba ma attitude din itong si ateng ghurl, eh kung tanggalin ko kaya yang dalawang mata mo?

"Ama sinaktan niya ako! Sinabihan niya ako ng masasakit na mga salita!" Sagot ko naman.

"Gu-gusto ko lang s-sana siyang kamustahin dahil sa narinig kong nangyari sa gulo nuong isang araw, m-mahal na hari." Napataas ang isang kilay ko sa pagsingit niya sa usapan namin ng aking ama.

"P-pinagsabihan ko r-rin siya kaso ngal-lang muk-khang minasama niya a-ang mga pagmamalasakit k-ko sa kanya. A-at nagawa niya akong s-sigawan at s-saktan at.... a-at nagawa niya pa akong ipahiya gamit ang mga masasakit na salita!" Nangi-ngiyak niyang sabi habang nakahawak sa braso ng aking ama na ngayon ay galit na galit na dahil sa narinig.

"A-ama--!"

"Tama na sapat na ang mga narinig ko at dahil sa nagawa mo ay paparusahan kita! Mga kawal dalhin siya sa silid parusahan! Bigyan niyo sya ng liman'pung palo ng latigo at pagkatapos ay ibalik ulit sa crystal mansion wag niyo siyang idadala sa kahit saang pagamutan! Maliwanag ba?! Kunin niyo na siya!" Habang dinuduro niya ako at halata sa mukha niya ang pagkamuhi, disappointed at pagkadisgusto saakin.

Hinawakan na ako ng dalawang kawal sa magkabilang braso ko. Tinignan ko ng matalim ang dalawang matanda. Binalingan ko ng tingin si Orsela. Nakatingin siya sa'kin na may pang-asar sa mata at nakangiting tagumpay.

Kinaladkad na ako ng dalawang kawal papunta sa torture room. Hindi na ako nag makaawa dahil what for? It useless if i beg him. Hindi nga siya naniwala saakin tapos pinarusahan pa. I don't want to waste my energy and saliva to the people who doesn't believe me and doesn't care for me. And they are not worth it to waste my time to argue with them.

Nasa loob na ako ng torture  room. At sinimulan na nila ang pag lalatigo saakin. Masakit pero pinilit kong hindi mapasigaw dahil sa sakit.  Bawat dampi ng latigo sa likod ko ay parang pinupunit ang balat ko na parang sinusunog. Napakagat nalang akong ng mariin sa labi ko to prevent me from screaming.

They won this time but hahayan ko mu na sila magpakasaya at maliitin ako but someday I will win and I promise that I will make sure that they will feel and experience all that they have done to me at tri-trimplehin ko pa ang igaganti ko sa kanila. Dahil sa pagod,sakit at panghihina ng katawan ko ay nawalan na ako ng malay.

I Died To Be Reborn: Unfold The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon