Chapter 5

648 38 3
                                    

(Saffira Scarlett) P. O. V.

Naputol ang pagmumuni ko ng bumukas ang pinto at pumasok si ate Faye na may dalang pagkain. "Mahal na prinsesa nandito na po ang hapunan niyo." Napasimangot naman ako sa tawag niya saakin. "Diba po napag usapan natin na wag mo na akong tawaging prinsesa at mag po at opo?" Nakapout kong sabi.

Napangiwi naman siya. "Ngunit, mahal na prinsesa hindi pwede ang gusto niyo mangyari. Dahil batas ang makakalaban mo kung sakaling ipilit mo ang gusto mo." Sabay lapag ang hawak niyang tray na may lamang pagkain. Buti at hindi na sirang pagkain ang ibinigay saakin. Ay talagang malilintikan sila saakin pag sirang pagkain ang ibibigay nila saakin.

"Ah basta po pangalan ko nalang ang itawag mo saakin at tangalin mo yun po at opo ate kasi masmatamda ka saakin. Wag na ang 'Mahal na prinsesa' masyadong pong mahaba." Naka ngiti kong sabi sa kanya. Umiling lamang siya. "Kumain kana mahal na prinsesa at para makapag pahinga ka na po." Napanguso ulit ako dahil sa tawag niya saaki. "Ate pangalan ko nalang tawag mo saakin." Pangungulit ko habang nag papacute sa kanya kaya napatawa siya. "Sige po. Ganito nalang pagtayo lang pangalan ko ang itatawag mo saakin, pag nasa pampubliko o sa mga ibang tao ay tawagin mo ako ng prinsesa. Ano ayos na ba sayo yun ate?" Pangungulit ko parin sa kanya habang pinagdaop ko yung dalawang kamay ko habang nagpapacute.

"Osiya sige na kumain ka na 'Kaitlyn' para maka pagpahinga kana." Diniin niya yung pagkasabi niya sa pangalan ko kaya napatawa ako ng konti well atleast tinawag niya ako sa pangalan ko. Kumain na ako habang kumakain ay may naalala ako. "Ate may panulat at papel ka diyan? Pahinge naman ako." Tanong ko. Napakunot noo naman siya "Wala, ngunit aanhin mo ang panulat at papel?" Takhang tanong niya. "Basta po. Ikuha mo naman ako ate." Pakiusap ko sa kanya. "Osiya sige hintayin mo lang at maghahanap ako." At lumabas na siya. Kumain muna ako habang hinihintay siyang bumalik.

Ng matapos na akong kumain ay nilibot ko ang kwarto at may nakita akong isang pinto kaya pinuntahan ko ito at binuksan. Banyo pala to kaya sakto gusto ko ng maglinis ng katawan, pumasok na ako at tinangal lahat ng saplot ko sakatawan bago inilublob ang katawan ko sa bathtub in fearness huh mayganito pala dito sa mundo ng mahika.

Napakibit balikat nalang ako. Napapikit ako at inamoy ang tubig. Hmmm the smell is good its vanilla. I think i starting to like this flavored of vanilla. Sa past life ko kasi is strawberry yung gamit ko share ko lang. 30 mins lang ako nagbabad at tumayo na para magbalnaw. Buti may bathrobe dito kasi nakalimutan kong kuma ng damit ko.

Saktong paglabas ko sa banyo ay syang pagpasok din ni ate Faye at dala na ang pinapakuha ko. Tumingin siya saakin.

"Ern.. heto na yung pinapakuha mo sa akin. Sana hinintay mo nalang ako dumating para ako mismo nag paligo sayo." Pailing niyang sabi at inilapag sa study table ko yung mga pinapakuha ko sakanya at pumunta sa kabinet para kumuha ng pantulog ko.

"Salamat ate, pero kayo ko naman na ate malaki na ako kaya no worries okay?" Sabi ko sa kanya at ngumiti ng napakacute. Napubuntonv hininga nalang siya at lumapit saakin "Traboho ko kasing alagaan ka. Kaya wag ka ng umangal." At dinamitan na niya na ako tatanggi sana ako kaso sinamaan niya ako ng tingin. Awit~ nakakatakot siya char hahahaha. Tinutuyo niya ang basa kong buhok gamit ang twalya at sinu suklay yung buhok ko.

"Ako'y aalis na kaya, matulog ka na wag ng makulit." Bilin niya saakin kaya tumango ako at tumungo na sa bed ko at humiga ng maka alis na siya ay bumangon ako at pumunta sa stady table ko at kinuha yung hinihingi kong panulat at notebook? Notebook ba ito kasi ang itsura niya ay pinagtagpitagpi ang mga papel which is parang luma tapos hindi magaspang yung texture niya at medyo matigas din yung papel at ang klaseng panulat na ginagamit nila dito is pluma at sa tingin ko is ito ang ginagamit nila dito.

Nag sulat na ako ng mga importanteng impormasyon na magagamit ko para mamuhay dito sa mundong ginagalawan ko ngayon. At makalatulong para lahat ng sekreto ay maibunyag at mabigyan ng hustisya.

Na aksidente daw ako dahil pumunta ako sa tambayan namin ng reyna which is sa likod lang nitong kwarto ko, ang garden at sa likod ng garden ay ilog na at dun nagluksa para sa pagkamatay ng reyna which is nanay ko na ngayon. Nakakalungkot lang dahil namatay ang nanay ng may ari ng katawang ito although she's lucky because na kasama niyaparin ang nanay niya kahit sandali lang at may tattay pa din syang na iwan. Unlike me wala ang totoong magulang ko ng lumaki na ako, may umapon nha saakin pero-- ugh! Nevermind bat ko ba biglang na isip ang mga nag trydor saakin they're not worth it! So stop thinking about them Saffira!! Sigaw ko sa utak ko.

Base sa mga kwento ni ate Faye ay namatay ang nanay ko I mean ina ng may ari ng katawan na 'to. Sabi niya ay na aksidente daw siya sa pagkahulog ng bangin na mali daw ito ng tapak kaya nahulog siya. Huh? Anong ginagawa niya sa malapit na bangin? Hmm.. I think hindi siya na aksidente dahil lahat ng storya ay may butas minsan may nadadagdagan at nakukulangan sa mga totoong pangyayari. Kaya wag magtiwala agad sa sabi sabi ng iba.

Sabi niya pa ay witness daw ang first concubine sa ng yari sa reyna nandun daw siya sa mismong pinangyarihan ng aksidente at siya daw ang naghanap ng tulong at isinalaysay ang ng yari.

Ang kwento niya pa ay may galit daw ang dalawang kabit ng hari sa akin at sa reyna. Lagi daw nilang kaming binubully.

So, there's a big chance na hindi aksidente ang ng yari sa reyna, pusibleng tinulak siya ng salarin. At ang unang kabit ng hari ang unang nakakita sa ng yari at isa pa may galit ang first concubine sa reyna. Eh bakit pa siya naghanap ng tulong kung pwede na lang niyang iwan at wag magsalita at magsaya diba?? Hmmm... parang may mali.

Isinulat ko dun ang mga pusibleng mga pangalang sangkot sa ng yari sa reyna. Humanda ang taong pumaslang sa reyna kung mapapatunayan kong hindi aksidente ang nang yari sa reyna. Pagbabayarin ko siya o sila sa ginawa nila sa reyna at I'll make sure that they will suffer in my own hands mark my words.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

This story is unedited

I Died To Be Reborn: Unfold The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon