┌──────── ∘°❉°∘ ────────┐
"Your Smile is Beautiful"
└──────── °∘❉∘° ────────┘
"Yes, it's me Stella."
"Stella Guevara, your boss." I added, sassily crossing my arms.
Agad na lumuhod si Lara kasabay ang mga babaeng kasama niya. They are one of our clothing brand models. Magaganda, sexy, matikas, at maganda ang postura, kaso wala namang class.
"Mali pa 'din ba ako ng kinakalaban, ha? Lara?" tanong ko.
"N-no.. M-ma'am.." nauutal niyang sagot habang nakayuko.
I lowered my body and whispered into Lara's ear. "Make me angry and I will register your death certificate to hell, got it?"
"Y-yes.. M-ma'am..." she stuttered, not even looking in my eyes.
"Now, stand up!" I commanded her, "Umuwi ka na at 'wag mo nang ipahiya ulit ang sarili mo"
Mabilis siyang tumayo at lumingon sa likod niya para sensyasan ang iba pang mga babae na tumayo rin, "You're not firing us, right ma'am?" naluluha-luha niyang sinabi habang nanginginig na hawak ang braso ko.
"Why would I?" I smiled, gently removing her sweaty hands on my arm. "Just go home and everything will be fine"
"Y-yes ma'am! Thank you!" sabay-sabay na sambit nila. Agad silang lumabas ng club at bumalik naman ako sa counter para uminom muli. Maya maya pa'y nagsimula nang muli ang malakas na tugtugan kasabay ang pagsasaya at pagsasayaw ng mga tao na parang walang nangyari.
"U-uhm, Stella?" Narinig ko ang boses ni Olivia na tinatawag ako mula sa likuran. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paginom. "About earlier.. thank you for helping me"
"Helping? Who? YOU?!" I chuckled sarcastically, twisting my chair to face her. "Why would I help you? I just don't like noisy sluts fighting at my back while drinking."
"SLUTS?!" she exclaimed.
"Yeah, S. L. U. T. Slut." I repeated, "And in fact you're just nothing to me. You're easy to be influenced and you like imitating others."
*ೃ࿐ ࿔*
"you're easy to be influenced and you like imitating others."
"you're easy to be influenced and you like imitating others."
The same words flew around Olivia's brain over and over again as the scenery of the club is now blurry in her vision. She can't hear anything, even the loudest noise of the music becomes indistinct in her ears.
"What? Why are you still standing there? May kailangan ka pa ba?" She snapped out of the indistinguishable noises and came back to reality when she heard Stella's voice.
Ang mabahong usok ng sigarilyo ni Stella ay patuloy na tumatama sa mukha ni Olivia sa kada buga niya. Naninigas ang katawan niya at hindi niya maramdaman ang bibig niya kaya hindi na siya nakasagot. Sa sobrang bigat ng dibdib ni Olivia no'ng mga oras na 'yon ay hindi niya na namalayan ang mga luha niya na walang tigil na umaagos sa pisngi niya.
"Oh!" she mocked. "Ngayon umiiyak ka naman? What do you want me to do? Huh? Maawa sa'yo?" hindi muling nagsalita o tumingin man lang si Olivia sa kanya. Hinayaan niya lang na patuloy na umagos ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Habang Buhay
General Fiction"Patay na siya, Stella! Tanggapin mo na lang na matagal na siyang wala!"