┌──────── ∘°❉°∘ ────────┐
"Is Love Blind?"
└──────── °∘❉∘° ────────┘
It is the opening event day. Ang lahat ay mukhang elegante at marilag sa suot nilang floral tulles dress na naka-base sa fantasy theme ng gallery.
Ang bawat sulok ng gusali ay napupuno ng green at violet neon lights. Mga magagandang paintings naman ang makikita sa mga dingding na ginawa pa ng mga sikat na pintor.
Nandito kami ngayon sa isang hall na paggaganapan ng book concert kasama ang isang sikat na author na in-invite ko. Katabi ko si Ms. Stella na kanina pa itinutuktok ang mga daliri sa bag na hawak niya.
She looks very magnificent with her green floral tulles dress along with a Ralph and Russo's green high heels. Her hair was kind of a messy with a silver garnitures attached on it.
"Caleb! We've been sitting here for 10 minutes, where's the author?" pabulong na reklamo ni Madam na inip na inip na.
Ayaw na ayaw niya pa naman ng pinaghihintay siya lalo na sa mga ganito ka-espesyal na events.
"Madam, gusto daw po kayong makita ng Chairman," bulong ni Ms. Sy na bigla na lang sumulpot sa likuran niya. "Nasa library po siya ngayon,"
Tumango naman siya at tumayo sa kinauupuan, bago siya umalis ay nilingon niya muna ako. "Go find the author, magsisimula na ang program in 5 minutes," nagmamadaling utos niya.
Sa exit door siya dumaan samantalang sa back stage naman ako dumiretso. Nagmadali akong pumunta sa room ng author pero wala siya do'n. Mabuti na lang ay nakasalubong ko si Ms. Sy habang naghahanap, "have you seen our guest author?" hinihingal na tanong ko.
"Pinatawag din siya ng Chairman eh, kakaalis lang niya"
"Gano'n ba?" Tumango naman siya at tumakbo na ako palabas sa may exit.
Sigurado akong magkasabay na silang pumunta do'n ni Madam, pero kailangan ko pa ding sabihin na magsisimula na ang program in 5 minutes.
*ೃ࿐ ࿔*
"Yes Dad, I'm on my way" ibinaba ko na ang phone at nagpatuloy sa paglalakad papuntang library.
Kanina pa pala tawag ng tawag ang daddy para lang papuntahin ako sa library, sadyang hindi ko lang narinig ang phone ko dahil naka silent.
Hays, ano nanaman kayang kailangan niya ngayon? Kung kailang 5 minutes na lang do'n niya pa ako pinatawag.
Napatingin muli ako sa phone ko nang maramdaman kong nagvibrate ito. Text nanaman ni daddy na inip na inip na naghihintay sa library. Nagtatype ako habang naglalakad nang biglang may nakabunggo sa'kin.
"Aw!" magkasabay na inda namin nang magkauntugan kami.
"Ano ba 'yan!" inis na sabi ko habang nakahawak sa noo, "hindi kasi tumitingin sa daan eh!"
"Excuse me? Ikaw ang hindi tumitingin sa daan. Kakalabas ko lang ng way na 'to nang bigla ka na lang bumangga sa'kin!" ani ng babae.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Habang Buhay
Fiksi Umum"Patay na siya, Stella! Tanggapin mo na lang na matagal na siyang wala!"