┌──────── ∘°❉°∘ ────────┐
"Still Good Inside"
└──────── °∘❉∘° ────────┘
"Caleb wake up," I gently tap his shoulder for almost 40 times at hindi pa din siya nagigising. "Caleb you've been asleep for 10 hours, nasa Paris na tayo!"
He's sitting beside me, covered with a black furry blanket, sleeping comfortably on plane's chair. I never thought na mapapasarap ang tulog niya kahit nasa upuan lang siya, kanina ko pa siya sinasabihan na lumipat sa kama pero ayaw niya.
"Caleb," bumulong ako sa tenga niya nang mapansin kong bumukas na ang pinto ng eroplano. "Kapag 'di ka pa bumangon, iiwanan na kita!"
Hindi pa rin siya gumising kaya inilapit kong muli ang mga labi ko sa tenga niya, dahan-dahan ko itong hinipan at narinig ko siyang nagsalita.
"Ano ba Stella, 'wag natin 'tong gawin dito," nakikiliting tawa niya habang tulog.
Ngumisi ako at natawa na lang sa sarili ko dahil sa sinabi niya, mas inilapit ko pa ang labi ko sa tenga niya hanggang sa magkadikit na ito.
"CALEB!!!! GUMISING KA NA!!! NASA PARIS NA TAYO!!!"
Sinigawan ko siya ng napakalakas hanggang sa bumukas ang mata niya at bumangon. Nalaglag sa sahig ang kumot at phone niya, nakatayo na siya ngayon sa tabi ko habang kinukusot ang mata.
"Sa wakas, nagising ka rin. Muntik ka nang maiwan dito sa plane," biro ko. "Come on, 45 minutes pa tayong babiyahe papunta sa hotel."
Agad na akong bumaba sa plane pagkakuha ko ng sling bag ko sa upuan habang kasunod si Caleb na dala ang mga luggage namin. Napansin kong medyo inaantok pa siya dahil paliko-liko ang direksyon ng paglalakad niya.
"Enchanté, Mademoiselle Stella," bati ng driver ni Mrs. Aurello na sumundo sa'min.
"Enchanté," I bowed my head a bit, greeting him back.
"Anong ibigsabihin no'n madam?" nagtatakang tanong ni Caleb nang kunin sa kanya ng driver ang luggage at inilagay ito sa compartment ng kotse.
Sumakay ako sa backseat katabi si Caleb at ngumiti, "Enchanté means nice to meet you," I explained. "And mademoiselle means miss or madam."
Tumango naman si Caleb kasabay ng pag-andar ng kotse patungo sa hotel. Nabalot ng katahimikan ang buong kotse, ang akala ko ay matutulog ulit si Caleb pero hindi. Halos pinuno niya na ata ang storage ng phone niya sa nakikitang view sa bintana ng kotse kakakuha ng litrato.
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Habang Buhay
General Fiction"Patay na siya, Stella! Tanggapin mo na lang na matagal na siyang wala!"