┌──────── ∘°❉°∘ ────────┐
"Fingerprint Necklace"
└──────── °∘❉∘° ────────┘She's been asleep for 24 consecutive hours, I also cancelled our flight schedule kaya nandito pa rin kami sa America. I tried contacting her parents pero number ko lang ang nakalagay sa phone niya kaya sila Mr. Lopez na lang ang tinawagan ko.
"I'm sorry about what happened, madam," halos maiyak ako habang hawak ang kamay niya. Sobrang putla niya at medyo malamig ang temperatura ng katawan niya.
Nagulat na lang ako nung makita ko siyang matumba sa daan kahapon. Hindi ko alam ang nangyari. Dahil ba 'yon sa trauma niya o baka dahil sa sobrang galit niya sa'kin nung nag-away kami? Hindi ko alam. Sobrang basang-basa din siya sa ulan no'n kaya baka hindi na mabuti ang pakiramdam niya.
"Hay! Ang tanga-tanga mo kasi!" Sabay kong sinampal ang magkabilang pisngi ko.
Habang hawak ang kamay ni Madam ay nakaramdam ako ng pag-galaw.
Magigising na yata siya!!
Unti-unti nang bumubukas ang mga mata niya, pero lumabas na lang ako sa kwarto nang mapagtanto kong baka hindi niya muna ako gustong makita dahil sa nangyari.
"Nurse! Nurse!" tinawag ko ang isang babaeng nagtutulak ng cart na puno ng mga gamot, "Ms. Guevara regained her consciousness!"
Pumasok siya sa may silid at nanatili naman akong nakatayo sa labas ng pinto para tignan kung talagang mabuti na ang lagay niya.
*ೃ࿐ ࿔*
Stella
"Can you hear me, ma'am?" narinig kong tanong ng isang babae. Hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko at pagmulat lang ng mata ang kaya kong gawin.
Gaano katagal na ba akong tulog? May flight pa kami mamayang hapon.
I widely opened my eyes revealing a woman, a nurse I guessed.
Wait. A nurse??!
Pinilit kong makatayo sa hinihigaan kong kama, "Where am I?" Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto pero hindi ko pa rin alam kung nasa'n ako.
Nurse? Bakit may nurse?
"You're in the hospital, miss," the nurse was worried. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba, pero bakit parang may kulang? Kinapa-kapa ko ang buong dibdib ko, paikot sa may leeg at batok.
My necklace.... where's my necklace?!
"Are you looking for this, Ma'am?" Ipinakita ng nurse ang isang kwintas na nakasabit sa palad niya. Kinuha ko ito at hinawakan ng mahigpit sabay niyakap. "Your boyfriend told me to give you this. Despite of the bad weather, he still ran outside to find that necklace. He was really soaked with water when he got back here yesterday, he almost killed himself for that thing!"
BINABASA MO ANG
Sa Susunod Na Habang Buhay
General Fiction"Patay na siya, Stella! Tanggapin mo na lang na matagal na siyang wala!"