Chapter Eight

55 12 4
                                    

┌──────── ∘°❉°∘ ────────┐
"The Suicide Incident
On Brooklyn Bridge"
└──────── °∘❉∘° ────────┘



Alas tres na ng umaga at kakarating lang namin sa Airport kung saan naro'n ang private plane na sasakyan namin papuntang America.



Pumasok kami sa eroplano at naupo.



"Ma'am, about what happened on the event-"




"It's fine, Caleb. Ngayon alam mo nang hindi ka dapat nakikialam sa business ng iba," she coldly replied.





Tumungo ako dahil sa nararamdaman kong konsensya habang inaalala ang mga nasabi ko sa kanya no'n, "Yes ma'am"





"There are two beds there," itinuro niya ang dalawang kwartong magkatapat sa bandang likuran ng plane. "Pwede kang matulog muna, 18 hours pa naman ang biyahe natin"




Malamig ang pananalita niya, walang tono kumbaga. Hindi siya tumitingin at walang ekspresyong ipinapakita ang mukha niya. She didn't even looked at me when she informed me about the bedroom at the back, she just pointed the rooms and stayed quiet again.


Pumunta ako sa itinuro niyang kwarto at hinubad ang coat bago humiga sa isang kama doon. Tinanggal ko ang mga sapatos ko para maitaas ang mga paa sa kama. Malamig doon kaya hindi ko na tinanggal ang polo ko, sa halip ay tinanggal ko na lang ito sa pagkakabutones..


Lumipas ang oras at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.


 *ೃ࿐ ࿔*


Bigla akong nagising nang maramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone na nakapatong sa may ulunan ko.


"Ughhhhh," I groaned. Nag-inat ako ng mga braso bago tuluyang umupo sa kama. "Sino naman kaya 'to?"


Kinusot ko ang mga mata ko at kinuha ang cellphone na nagva-vibrate pa din.



Unknown


Hello? This is Caleb de Guzman speaking.


Hello Mr. de Guzman, this is the owner of the gallery here in New York. Vinći Gallery.



Oh, y-yes. Is there anything you need, Sir?



About the dealership, Mr. de Guzman. We've agreed that we will have a partnership with your gallery.

Sa Susunod Na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon