Sa totoo lang hindi ko alam paano ko sisimulan ang tula na ito, maraming mga salita , maraming bakit at paano ang hindi nasagot nung ako'y iniwan mo.
Mahal sabi mo mahal mo ako?
Bakit hinayaan mo ako?
Bakit mo ako ginanito?
Iniwan mo ako ng maraming katanungan sa aking isipanOo,aaminin ko unti-unti kong nakikitang nawawalan kana ng interes sa akin hinayaan ko lang pinilit kong buohin ka uli baka sakaling makita mo uli ang halaga ko ngunit habang binubuo kita ako naman ang unti-unting nadudurog at nasisira
Ngayon paano ko sisimulan muli?
Saan?
Hindi naman ako nagmali o nagkulang
Kahit hindi mo sabihin halatang wala na eh,
Kada araw ramdam ko yung sakit parati mong sinasabi na mahal mo ako? Eh? Mahal wag mo naman ako gawing tanga kahit sabihin mong mahal mo ako ramdam ko yung sinisigaw ng puso mo na wala ka nang pag mamahal saakin .nung iniwan mo ako, sa huling pagkakataon tinanong kita muli kung mahal mo pa ako sabi mo "oo" mas lalo akong nasaktan nung sinabi mong oo dahil sa huling pagkakataon nagsinungaling ka muli na mahal mi pa ako .
Mahal, Pag tama na ang panahon sana pwede pa .