SISIMULAN KO NA.

881 11 1
                                    


Sisimulan ko ang pagkalimot sa iyo
Sa pag-aalaala ko sa aking sarili

Hahaplusin ang magaspang na katotohanan
Hindi ang kamay mo kung saan ako nawili

Iiwanan ang kalawakang nilalakbay kapag nakatingin sa'yong mga mata
Itutungtong sa malawak palang mundo ang pagod ko nang mga paa

Sisimulan ko na ngayon ang pagkalimot ko sa'yo
Sa pag-aalaala na mayron nga naman palang salitang "Ako".

Dahil ikaw na lang at ako na lang.

Wala nang tayo.

THOSE SPOKEN WORDS TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon