Hindi ko maalala kung paano nagsimula o kung anong nangyari sa gitna
Pero tandang-tanda ko pa kung paano ka nawala
Unti-unti, dahan-dahan, saglit-saglit, pero biglang bumilis, hanggang sa tuluyan ka ng umalis
Hindi ko alam, pero hindi ko na yata kailanman matatanggap ang mga naganap
Dahil iniisip ko, hindi ba naging sapat ang lahat-lahat?Paano? Paano nga ba tayo bumagsak sa ganito?
Sa ganito, na ako lang yung nasasaktan o nagdaramdam
Sa ganito, na ako lang yung nakakaramdam o nakakaalam na para bang may kulang
Sa ganito lang, na parang ako at ako nalangAng sabi ko, minahal kita, mahal kita, mahal pa rin kita
Mahal na mahal kita, pero wala ka na
Eh ano namang gagawin ko?
Anong gagawin ko kung yung nagiisang taong minahal ko e iniwanan pa 'ko?
Mahal kita, sinambit ko dahil yun ang totoo
Pero pinipilit ko pa rin ipagduldulan sa utak ko na ayoko sayo
Na tama na ang lahat ng ito, ang tanga-tanga ko
Bahala ka sa buhay mo, at ang kapal ng mukha mo
Pero kahit anong ikot ko sa nararamdaman ko
Gabi-gabi ko pa ring hinihiling na "Lord, sana po siya na talaga"Halimbawa ng mga tanong na paulit-ulit kong naririnig sa mga pelikulang Pinoy
Parang sirang plaka na hanggang ngayo'y tila tubig na umaagos ng tuluy-tuloy
Sambit mo, sambit ko: Bakit ka ba nawala? Meron ba akong nagawa?
Sawa ka na ba? Pagod ka na ba? Kulang pa ba? Mas mahal mo ba siya?
Mahal mo ba ko, eh ba't tayo nagka-ganito?Ano bang dapat sabihin ko? Mahal kita kaya pinapatawad na kita?
O sana magsisi ka kasi wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka?
Dapat ko bang sabihin na papatawarin kita, uunawain kita
Hihintayin kita, kasi nga mahal kita?
Ayun ba? Ayun ba ang dapat kong sabihin sayo?
Kasi para lang alam mo, gusto kong sabihin sayo na minahal kita
Minahal kita, minahal kita, minahal kita
Tapos naauthor's note:
copypaste lang to :) hindi paako tapos sa ginagawa ko ee!