WAG AKO .

979 16 3
                                    


Mahal , naalala mo pa ba  sa kung paano ang ngiti saatin mga labi ay hindi mabura basta tayo'y magkasama sa kung paanong ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit nag papagaan sa lahat ng bigat na aking pasan at bumubuo sa araw kung kulang kulang 

Mahal, naalala mo pa ba ang bawat saya ? bawat away na parehas natin nalampasan dahil mahal natin ang isa't isa bawat luha na pareho natin pinunasan dahil hindi kuna kayang mawala at ganon kadin diba ? kaya nga tayo'y nag tagal , kaya nga tayo'y nag tagal ng pan samantala . 

pero Mahal, naalala mo din ba nung unang besesmo siyang nakilala nung unang beses kayong nagkasama nung unang beses ka niyang napangiti ang mapupupnga'y nyang mga mata nung nag uusap kayong dalawa na parang kayo lang dalawa na  parang walang ako :'( walang tayo sa mundo niyo 

Mahal, naalala mo pa ba ang una kung pag-iyak nang dahil sakanya malamang  HINDI ,hindi dahil sa nakalimutan muna o meron kang amnesia parang hindi  pinilit kung ilihim ang sakit pinilit kung sarilihin ang pait ng selos ,pagka-inggit dahil mukang meron ng papalit , mali mali ako ,dahil may PUMALIT na sa pwesto ko sayo .

hanggang sa hindi ko napigilan tinanong kita ng walang pag aalinglangan may gusto kaba sakanya ? pero sabi mo ano ba kaibigan ko lang siya  Mahal naman, hindi ako TANGA ,hindi ako TANGA ,para hindi malaman na special sa kaibigan lang hindi ako BULAG ,para hindi makita saiyong sarili ang saya na tila may kakaiba may kakaiba pag dating sakanya  . pero naniwala parin ako , naniwala ako na wala lahat sainyo.

 Ang pag tiis mo sakin na hindi ako kausapin kapag kausap mo siya oo wala lang yun ang pag pupuyat mo gabigabi ang pag abot niyo ng umaga sa pag kukulitan sa mga bagay bagay sa pag kakapareho niyo pala oo WALA LANG YON. 

Ang babahagi mo sakanya ng paborito mong kanta habang sabay kayong nag hahaliw sa ilalim ng musika  OO WALA LANG YON . dahil gaya ng sabi mo KAIBIGAN MO LANG SIYA at ako ? ako,dapat hindi mangamba siguro nga ,masyado lang akong malisyosa para pag isispan kayo ng hindi maganda   kaya mahal nais kung humingi ng tawad saiyo at sakanya pawatawad dahil nasaktan ako nung nakita ko nung mas kaya niyang pasayahin ka Patawad kung nagalit at nag selos ako noong nakita kung nabubuo niya ang araw ko kahit magulo na ..

NGAYON, MAHAL patawad dahil kinailangan ko nang sumuko sa laban ng pag-ibig  nato ,  dahil alam kung ako na ang talo at ngayon kung mag babago man ang ikot ng mundo at sasabihin mo saakin na mahal mo pa ako at itatanong mo sakin kung pwede paba tayo ? at sasabihin mong bumalik ako sayo  PAKIUSAP LANG ....WAG LANG AKO .

kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo WAG AKO .hindi dahil sa mas maganda siya hindi dahil sa mas kaya niyang pasayahin ka hindi dahil sa mas matalino siya o mas magaling sa larangan ng musika kung sa tingin mo ng isa sa bubuo ng nakaraan mo wag ako dahil sa hindi kita kayang panindigan wag ako hindi dahil sa hindi ko siya kayang sapatan wag ako hindi dahil hindi ko siya kayang higitan wag ako hindi dahil sa hindi kita kayang ipaglaban wag ako hindi dahil sa ayoko sayo .

at kung sa tingin mo meron kang isang taong kailangan ipaglaban pakiusap lang wag ako hindi dahil hindi ako si basha ng second chance o dahil  sa hindi na kita gusto at ayoko na sayo WAG AKO  dahil hindi mo naman kailangan pumili saaming dalawa dahil kung ako talga sa umpisa palang ako lang sana  wag dahil hindi moko dapat palitan dahil ako ang sumuko at nang iwan pero sana hindi moko binigyan ng dahilan  wag ako dahil ayoko muling maging nakaraan sa kinabukasan wag ako dahil ayoko nang mawasak muli sa parehong paraan ayoko ng umiyak ng paulitulit sa parehong dahilan  dahil kinaya kuna 

Mahal kinaya kunang mabuhay ng  sarili kolang  

 KAYA MAHAL PAKIUSAP KO SAYO  KUNG MAG MAMAHAL KANG MULI WAG AKO . :'( 

author's note : 

FOLLOW ME PARA MAG UPDATE AKO ! :) THANKYOU ! 

THOSE SPOKEN WORDS TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon