Masakit na ang likod
Balikat ay nangangawit
Sa bigat ng mga tanong
Ng iniwan mong pagsusulitPagod na ang binti
Hindi na makahakbang
Hinatid kita sa mga sagot
Iniwanan mo ko sa mga patlangTuyo na ang luha at pawis
Naglaho na ang pag-asa
Nilukot mo ang aking papel
Ni hindi ko pa napapasa.