Napakarami nang kahulugan ng dalawang letrang ito.
M.U?
Me and U?
Walang ganon.
Mutual Understanding?
Ano yon?
Mag-isang umiibig?
Malaking katangahan.
Mag-isang umaasa?
Mas malaking katangan.
Mag-isang umiintindi?
Wag kang ganyan.
Magsyotang unggoy?
Kayo yan.
Mukang unggoy?
Alam mo yan.
Malanding ugnayan?
Huwag ganyanan.
Hindi naman ako ampalaya o kung ano mang tawag nyo dyan.
Pero tama kayo naranasan ko na ang ilan sa mga yan.
Ang maniwala sa ikaw at ako.
Ang umasang ang nararamdaman natin ay pareho.
Ang umibig at hindi ibigin.
Ang umasang akoy mamahalin din.
Ang ikaw ay parating intindihin.
Yung may mga unggoy ay 'wag mo nang isipin.
Yung malanding ugnayan?
Bakit ba nga parati lang hanggang dyan?
Hindi sasang-ayon ang pagibig sa mga taong hindi seryoso.
Mga taong naghahanap lang ng lovelife para makiuso.
Mga taong gustong manalo pero takot sumugal.
Mga mahilig mangako pero hindi naman tumatagal.
Hindi din sapat na pareho lang kayong nagkakaunawaan.
Dahit isip nyo lang ang nagkakaintindihan.
Kailangan nyong kumilos para patunayan.
Mas maganda parin kase yung well done kesa well said lang.
Hindi masamang umibig at umasa.
Basta alam mo na hindi ka nag-iisa.
Sana dumating yung araw na yung dating mag-isang umiibig?
Maging magkaparehong umibig.
Yung mag-isang umaasa?
Maging magkasamang umaasa.
At yung malanding ugnayan?
Maging magandang ugnayan.
At sana yung Ikaw at ako?
Magkameron ng tayo.KAKAINIS KA CRUSH KEME AHAHHA !!