Chapter 10Fiancé
"Feda," Faber called me that caught my attention.
"What?" I closed my eyes to calm myself down.
"I was calling you beforehand, what's with your pretty little head? You're too occupied," she said with irritation visible in her tone.
"I was just looking for something," I said, then my gaze went to his direction, again. He was looking at me too, raising his eyebrow while holding his can of beer.
"Looking for something? Or someone?" She teasingly asked, evil-minded.
"Shut up," pinandilatan ko siya ng mata para ipakitang hindi ako natutuwa sa pang-aasar niya.
"Okay-okay, I'll shut my mouth. You just looked for something, right? Oo, something talaga tapos sabay tingin kay Donello. Aba—"
"Ano?!" Asik ko sa kaniya at pilit tinatakpan ang kaniyang bibig dahil baka marinig ng iba. Nakakahiya kung maririnig nila, baka isipin nilang may gusto ako sa mang-aagaw na 'yon.
"Aba ginoong Maria, napupuno ka ng grasya," agap niya.
"Siraulo," may panggigil kong sabi.
Tumayo ako at binuhat ang upuan ko para ilipat. Sinadya kong italikod iyon para naman hindi na napapadpad sa kaniya ang mga mata ko. Tama lang na inikot ko ang upuan ko para kapag maiisipan kong luminga sa gawi nila, sasakit ang leeg ko't magdadalawang-isip na akong tumingin pa.
"Laro naman tayo," suhestiyon ni Myuki.
"Malaki na tayo, Myuki. Desi-otse, desi-nuebe na nga ang mga narito tapos maglalaro pa tayo?" Si Aaron na pinaglalaruan ang tansan.
"Mahjong?" Si Cjay naman ang nagbigay ng suhestiyon.
Pumayag ang lahat kaya pumasok kami sa loob mismo ng bahay nila Myuki. Kanina ay nasa gawing hardin lang kami at hindi kami makapaglalaro roon ng mahjong.
"Tara-tara," masiglang anila at nagsimula ng maglaro. Habang naglalaro sila ng ay tumunog ang telepono ko.
"Excuse me," nagpaalam ako na sasagutin ang tawag kaya naman lumabas ako't nagtungo sa labas. Dumistansya lang ako nang kaunti sa pwesto ng ibang bisita ni Myuki para hindi gaanong maingay.
"Hola—"
"Oye¡! Kanina pa ako tumatawag, tu perra!" Pambungad na sabi ni Eunice.
"Bakit nga?" Inilayo ko nang kaunti sa tainga ko ang telepono dahil mukhang masisiraan pa ako ng eardrums.
"Nandito na naman si Forbes, sa mansyon pa!"
"O tapos?"
"Tulungan mo nga kong paalisin itong putang ito. Kumukulo talaga 'yong dugo 'pag nakikita ko siya."
"Bakit naman?"
"Hindi ako natutuwa sa presensya niya rito. Kung makakausap sa pinsan ko ay wagas, akala mo parte siya ng pamilya namin."
"O tapos?" Tanong ko pa.
"Hijo de puta! Can you stop saying o tapos? O bakit nga?! You're not helping," Iritadong aniya.
"Hoy, Eunice. 'Wag kong mamura-mura, ikaw ang tumawag, ha. Ikaw ang may kailangan, hindi ako," naiinis kong sabi.
"Kasi naman e! Bakit ba kasi nandito siya?!"
"Don't mind him. Mukha namang mabait 'yong tao, give him a shot—"
"A shot? I can shot him right straight to his head! And he's not kind! Hindi siya mabait, Feda! Bakit kasi 'di na lang 'to paalisin dito?"
BINABASA MO ANG
Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)
RomanceChua Boys Series Third Installment Bonevee Felicidad Rowelle, the girl who was born with good traits, will do anything to get her parents' love and care. Donello Vixtus Chua will come into the picture to either love her or break her. Lies, guilt, p...