Chapter 19

1K 12 0
                                    


Chapter 19

Left

I hate to break it to myself but I am really in love with him.

Mahal ko si Donello at hindi matanggap iyon. Mas lalong hindi ko matanggap na nagmamahal ako sa isang lalaking pagmamay-ari na ng iba. Masyadong mabilis para sa akin ang pagkahulog ko sa kaniya. Mali itong nararamdaman ko. I can't believe I am feeling this. I can't believe that in a short period of time, I concluded that I am in love with him. It is so unrealistic and unreasonable.

"Feda, ayos ka lang ba? Anong nangyari?" tsaka lamang ako nabalik sa huwisyo nang magtama ang tingin namin ni Maiah.

Unti-unti kong hinaplos ang aking pisngi at napagtantong basa iyon dahil sa mga luhang hindi ko namalayang naglaglagan na pala.

“Napuwing lang,” tatanga-tangang pagdadahilan ko tsaka tumalikod. Hindi ko hahayaang makita nila akong ganito kaya mabilis akong tumakbo paalis doon.

“Hey! Feda!” Donello shouted.

Alam kong hindi niya naman ako susundan kaya naman pumara ako ng sasakyan at nagtungo sa terminal ng bus. Mabuti na lang at dala ko ang aking pitaka at telepono.

To Faber:

May aasikasuhin lang ako. Wala na ‘ko sa Batangas.

Sinabi ko iyon kahit na papunta pa lang talaga ako sa terminal ng bus. Ayaw kong sundan pa niya ako kapag sinabi ko na paalis pa lang ako.

From Faber:

Feda! Hindi ka nagpaalam!

Hindi ko na sinagot ang mensahe niya at ilang sandali pa ay tinawagan niya ako.

"Feda! What the hell?! Bakit kaagad ka namang umalis? Ano bang meron?”

"I have to do something," pagsisinungaling ko. Ang totoo lang naman ay gusto kong makalayo sa kanila.

"Anong something 'yan at nagawa mong hindi magpaalam? Gaano ba ‘yan kaimportante?”

"Basta. Sabihin mo na lang sa kanila na birthday ni Eunice tapos nagpapa-paint sa akin ang Papa niya."

"E? Tapos na ang birthday niya—"

“Just tell them. Kung ayaw mo naman, sabihin mo na may kikitain ako.”

“Sinong isasagot ko kapag tinanong ako kung sino ‘yang kikitain mo?”

“You choose. Joshua, Paulo, whoever you want. Sabihin mo na lang, Faber. Just make excuses for me. Tsaka na lang tayo mag-usap, may aasikasuhin na ako," tsaka ko pinatay ang tawag.

Kilala niya si Eunice maski ang ibang kasapi ng organisasyon. Ngunit hindi niya alam ang tunay na ugnayan namin sa isa't isa. Kilala niya sila sa kung anong nakikita niya. Pero ang totoong kami ay hindi pa.

Walang nakakaalam ng trabaho ko, lalo na ang mga magulang ko. Kung may alam man si Mommy, nakasisiguro akong kaunti lamang iyon at wala sa isang porsyento. Marahil ang alam niya ay samahan ng mga gangster na tinatawag niyang mga terrorista ang pinapasukan ko. I know Mommy has the connection to dig deeper about our organization but I am confident and hundred percent sure that she wouldn't know any single information about us. Pero hindi ko rin hahayaang malagay sa alanganin ang buhay niya kapag pinilit niyang alamin kung anong mayroon sa samahan kaya tinanggap ko na ang kasal na ayaw ko naman.

Kung si Faber na pinakamalapit sa akin ay hindi alam kung anong trabaho ko. Ang alam lang nila ay may part-time job ako bilang isang pintor o ‘di kaya ay sekretarya. Iyon lang ang tanging nalalaman nila at wala akong balak ipaalam ang kung anong trabaho ko. I can't imagine them being scared of me. I was raised to be soft as clouds and gentle as the wind, not to be a well-known assassin that shows no mercy in killing.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon