Chapter 36

1.4K 10 0
                                    


Chapter 36

Won

"Is the coast clear?" Dinig kong tanong ni Ringleader sa pamamagitan ng earpiece na suot-suot ko. Narito rin ang lider namin ngunit nakatago lang siya sa kung saan.

"Yes, Papa," sagot ni Eunice. Magkasama kaming dalawa habang pinapanood ang kilos ng mga tauhan ni Hellios.

Ang ilan ay abala sa pagbubuhat ng mga kargo na pinaglalagyan ng illegal na droga't armas na iaangkat nila sa ibang bansa.

Ilang sandali pa ay dumagsa na ang mga tauhan niyang nagsisilbing bantay niya. Sa magkabilang gilid niya ay nakikisabay sa paglalakad sina Donello at Rean. Nakaakbay si Hellios kay Donello at may kung anong sinasabi sa kaniya.

"I'll be happy if you'll marry my daughter Rean. I'm so sure that we'll be powerful than that said association. Alam kong nag-iisip na sila ng plano para kontrahin ang transaksyon natin ngayon. "

“Tanga, narito na nga kami,” pairap kong bulong habang nanonood sa mabagal nilang paglalakad.

“Bitter much, Crow?” Si Eunice na nakangisi na ngayon habang ngumunguya pa ng bubble gum.

“Shut the fuck up, Lioness. I am not in the mood to hear your stupid jokes. Nandidilim na ang paningin ko kaya tigilan mo ‘ko,” natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"It's my pleasure," sagot ni Donello tsaka matamis na ngumiti kay Hellios.

"Dad, stop it," natatawang yumakap patagilid si Rean sa kaniyang ama-amahan.

"They are like one happy family, don't they, bear?” ani Dion kay Eunice ngunit ako na naman ang pinatatamaan.

“They surely look like one.”

"Shut the fuck up.”

Ang kaninang inis ko lang ay naging galit na nang maalala ko na naman ang sinabi niyang ginamit niya lang ako. I gave my all to him despite my doubts. He showed me the version of himself that made me feel that it was all genuine. I was stupid to believe his sugar-coated words… still fucking stupid in love.

"Crow, don't let your feelings ruin our job," maingat na ani Eunice sa akin. Tanging tango lamang ang isinagot ko at inayos ang aking postura.

She's right. I must prioritize this mission. Innocent lives were destroyed because of them and there are still innocent that will be destroyed if we wouldn't end this.

Ibinigay ko na ang hudyat nang pumasok na sila sa barkong gagamitin papunta sa Morocco.

"Uno, dos, tres..." Pumuwesto na ang mga tauhan naming naka-assign para gumamit ng sniper. Sabay-sabay nilang itinutok iyon sa kada tauhan ni Hellios na nasa baba pa. Kaagad akong tumakbo sa maliit na tulay upang makasampa sa barko. Pagtapak pa lang ng mga paa ko ay may nakaabang na sa akin.

Kaagad kong ipinulupot ang akinh braso sa leeg at binalian ng ulo ang isa.

"Boss! Invaders—" hindi ko na siya hinayaang matapos sa sasabihin dahil itinarak ko na sa kaliwang dibdib niya ang kutsilyo. No’ng masiguro kong wala ng tauhan sa parteng iyon ay inihagis ko ang napakahabang lubid upang makaakyat ang ibang tauhan pati na sina Eunice at Dion.

"Sibilyan?" Tanong ko at kaagad na umiling si Dion. Gamit ang hintuturo ay itinuro ko ang direksyon ng bawat grupo.

"Cuidáte," paalala ko sa kanila bago kumilos. Maraming tauhan si Hellios na nakasakay na rito. Saktong nagsimulang umandar ang barko nang makapaghiwa-hiwalay na kami.

Donello was talking to Hellios while Rean was listening to them. They were having their best time planning about their evil works.

Nakasunod lamang ako sa tatlo hanggang sa makarating sila sa dining area. Tatlo lamang din ang upuan, sapat na para sa kanila. Ang mga bodyguards ay nakatayo sa bawat sulok. Hindi pa siguro sila nakakatunog na pinasok na itong sinasakyan nila.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon