Chapter 12

1K 11 0
                                    

A/N: I've changed the song they played. It was originally Moonlight Sonata and Bluestone Alley but then the latter did not complement the time frame. It could've been included but I felt like it wasn't that aligned during their time.

Best to read while listening to Nocturne Op. 9 No. 2 by Chopin, Moonlight Sonata 1st Movement by Beethoven, and Canon in D by Pachelbel!

Chapter 12

Maria Tonia

"That's great!" Bakas na bakas sa mukha ng aking ina ang saya nang pumayag ako.

"Mauuna na kami para maipadala na namin ang mga gamit mo, anak."

Anak. She called me anak for the first time. Is it because we're now okay? Dahil ba sa pagpayag ko sa mga gusto niya kaya tinawag niya akong anak? I don't care, masaya akong tinawag niya na akong anak.

"Take care, Mom, Dad, Kuya Bry," sabi ko habang ang paningin ay nagpapasalit-salit sa kanilang tatlo.

"Take care of her, too. I don't want her to be hurt," istriktong sabi ni Daddy.

"She's safe here, Marcus. You don't have to worry about her, we will provide the best for Feda," Donya Avria assured them.

"That's good. Well, see you when I see you, anak," hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing naririnig kong tinatawag ako ni Mommy na anak. Ang saya palang matawag nang ganoon. Para akong nanalo sa lotto.

"Mag-iingat ka, anak. Tumawag ka kapag kailangan mo," si Daddy tsaka yumakap sa akin at ganoon din ang ginawa ko.

I know he loves me. Hindi niya lang matutulan si Mommy kasi mas mahal niya 'yon. Kaya mas pinipili niyang gumawa ng bagay na ikasasakit ko, ng ibang tao… ng ikasasakit niya, mapasaya lamang ang pinakamamahal niyang asawa. He loves her so much. He's blinded by it though. I couldn't blame him, I love them, they are my parents.

Naglakad na sila palabas nang makayakap na kami sa isa't isa.

"I'm not in favor with your situation. Hindi ako pumayag dito, and I'm sorry for not defending you when I should've," naiiling na pag-amin ni Kuya sa akin.

"I'm going to be fine, Kuya. Para namang hindi mo ako kilala," mayabang kong sinabi. I guess he doesn't know the real me— they all do not know the real Feda. They based on what they see, that's how they make their judgement.

"I'm just one call away, just call me. And I'm really sorry, Feda," then he placed a kiss on my forehead.

"Bye, take care."

"I will."

"Kuya Bry! Love you!" Pahabol ko pa dahilan ng pagngiti niya.

Minsan ko lang kasing sabihin iyon sa kaniya bunga na rin ng pagkainis at pagkainggit na madalas kong nararamdaman. Sa kaniya ko na naibubuhos ang sama ng ko ng loob lalo na kapag usapang pang-pamilya.

"Love you, too, baby sister," he smiled for the last time before he went inside the car. Kumaway pa sila sa huling pagkakataon at tinanguan ko lamang sila. Gusto kong umalis dito pero may napagkasunduan na at pumayag ako roon. Hindi ako 'yong tipo ng tao na aatras kung kailan nakapayag na.

"Let's go inside, hija. Vixtus, show her your room," istriktang ani ng kaniyang Ina.

"Ma—"

"Uh-uh, no buts," pasiring na pagputol ng Donya sa gagawing pagtutol ng anak.

"Fine," he deeply sighed and left with no choice. His face looked irritated and when he looked at me, his face darkened. He's back with it again. That look on his face is the same as what he gave me during their band's performance.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon