Chapter 40

1.7K 12 0
                                    


Chapter 40

Eternity

“Yes!” Sagot ko at naghiyawan silang lahat.

“Finally!”

“Jusko! Ikakasal na si Feda!”

“At last, totoo na talaga!”

Lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod habang nagpupunas ng luha.

"Are you crying?" Natatawang tanong ko sa kaniya habang umiiyak dahil sa labis na tuwa.

“Stop,” natatawang aniya tsaka pinunasan ang mga luha.

It feels so good seeing him cry because of joy.

"Hindi mo ba 'yan ilalagay?!" Parang batang ngumangawang saad ni Feli habang nakayakap kay Faber. Nagtawanan kami tsaka niya ipinadausdos ang singsing na may ruby na hugis puso sa aking daliri.

"I love you so much," Donello said after he kissed the back of my palm.

"I love you more," I replied.

Donello leaned forward to give me a kiss. I encircled my arms around his neck and kissed him back.

“Ang ganda mo,” he whispered between our kisses.

“Ang gwapo mo,” I smiled.

"Congratulations!" Inalog ni Tito Gavrilo ang champagne habang sina Daddy at Kuya ay abala sa fireworks.

“Thanks, Dad,” si Donello habang nakaakbay sa akin.

"Wooh! Congratulations, son! Finally, dalawa na kaming Mrs. Chua,” nagtatatalong sabi ng kaniyang ina tsaka ako nginitian nang pagkatamis-tamis.

Sa kabila ng mga masasaya nilang mukha ay napansin ko si Tita Matilde. She looks calm and relieved.

“Go on, love. I'll wait here,” ani Donello noong mapansing gusto kong lapitan si tita.

“I'll be back,” saad ko at tinungo ang kinaroroonan ni Tita Matilde.

"Tita!" Yumakap ako sa kaniya nang napakahigpit. Miss na miss ko na siya, matagal na rin nang huli ko siyang mayakap.

"Congratulations, hija," aniya habang tumutulo ang mga luha. Ngayon lamang bumagsak ang mga iyon na tila kanina niya pinipigilan. Sa yapos niya ay ramdam ko ang pangungulila at galak sa parehong pagkakataon.

“Tita,” lumuluhang wika ko.

Alam ko namang may pinaghuhugutan siya. Hindi na ako magtataka kung iyon ang ama ni Faber. Hindi man sobrang detalyado ng lahat, hindi man ako nakasaksi sa mga pinagdaanan ni Tita Matilde magmula nang mahalin niya ang isang Phillips, naiintindihan at nararamdaman ko naman iyon.

"I'm sorry, hija. Don't mind me," pinilit niya pang tumawa kahit na hindi naman talaga iyon ang gusto niyang gawin. Imbes na magsalita ay niyakap ko siyang muli.

Tita deserves better. Lahat ng hirap at sakit na naranasan niya ay hinihiling kong mapalitan na ng saya. Just like others, I know that she's fragile inside… she's broken. Even after all those years, the pain is still there. I just wish for her to find happiness again— To finally free herself from her bitter past and just like I did, find the greater will to live.

“Tita, I hope you know how much I love you. You're my mother. I just wish you what your heart desires. I love you. No words are enough to express how thankful I am for all that you've done for me. Thank you, sincerely, for treating me as your own when they all disregarded me,” I smiled at her and caressed her face.

“Thank you, Feda, for letting me take care of you— For letting me treat you as my daughter. Masaya ako para sa inyo, hija. I am so proud of you. Your silent battles paid off now. Sana magtuloy-tuloy ang kasiyahan mo. I love you, too, hija,” tinanguan ko siya at matamis na ngumiti.

Abducting His Heart (Chua Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon