Kabanata 1

0 1 0
                                    

Ting


Ting


Ting


Ting


Haaayyyyyy. Bagong umaga nanaman.


Ang sarap talaga sa mata ng bayan na ito.


Ang bayan ng Leyeor ang pangalawa sa pinakamalaking bayan sa buong Molyen.


"Binibini, gusto mo bang bumili ng aking mga paninda, orihinal ang mga it......"

"Ginoo, narito na ang mga espadang ipinapapanday mo sa akin noon pang nakaraang dalawang buwan..."


"Ali, pabili ho ako ng iyong panin..."


"Hoy, bata bumalik ka dito."


"Tulong ninakaw ang bag kohhh...."


Hayyy, minsan na nga lang akong maggala dito. Ang ingay ingay pa.


Hay naku. Sino ba kasing nagsabi na magandang bayan ito. Akala ko ba mabubuti ang mga tao rito.


Makauwi na nga, nakabili na rin ako ng mga pinapabili sakin ng matandang iyon.


*****

"Yyyyoooohhhhooooo. Ang saya saya. Hahaha."

"Hoy, wag ka ngang maingay. Ang kulit mong baliw ka."

"Umupo ka nga."


"Ano bang paki nyo. Ang sarap kaya maggal...."


"Hoy, ibalik mo yang pamaypay ko. Mahal yan."


"Hoy hintayin mo kamiiii."


*****

"Aaarrraaayyyy"



Tangina ang sakit nun ah.



"Hoy, bumalik ka dit...  aaaarrrraaayyyy"


Ay buwisit na yan, yung isang yun.



Ang lakas ng loob nilang maghabulan sa palengke ha. Buwisit kayo. Yari kayo saaaakkkkiinnnn.


Hinanap ko yung lalaking tumatakbo kanina. Oo alam kung lalaki dahil nabangga ko yung dibdib niya at wala siyang boobs.


Ayun.



Habang tumatakbo siya. Tinangagal ko yung tsinelas ko at binato ko sya sa ulo.



At. Eeehhhheeemmmm.


Sharp shooter to noh. Hahaahah sapul sa ulo at...



Hahahahahaha... ang pangit ng lagay niya. Nakasubsob yung mukha niya sa pwet ng kabayo, habang nakahawak sa ari ng kabayo...buwahahahaha.


Nakakahiya siya. Ang daming nakakita. Hahahaha grabe halos umiyak na ako kakatawa. Di ko mapigilan.


"Sinong bumato sakin, ha?"


Patay galit siya. Oo nakakatakot siyang magalit. Promise.


Tumalikod na ako, dahil ayoko pang mamatay.


"Hoy babaeng nakaitim."wait ako ba yun?


Tingin sa kanan.


Tingin sa kaliwa.


Then kembot ng konti.


"Ate."


Ha? Nabalik ako sa reyalidad ng may tumawag saking bata.


HeAlWhere stories live. Discover now