Yuri's POV
"Bleach, where are you?"
"Bleach?"
"BLEACH, WHERE THE FUCKING ARE YOU?"bwisit talaga ang pusa na yun, kagabi kung ano ano ang pinagsasasabi...tapos ngayong umaga di ko na makita...hinayupak talaga yun...
Gusto niyo bang malaman kung ano ang pinagusapan namin kagabi???
Ok sige sasabihin ko na....
"Hoy pusa nasan tayo?"tanong ko sa pusa.
"Silid Aklatan!"kibit balikat niyang tugon.
"Silid aklatan? Library yun diba?"tanong ko ulit.
"Ha? Ano ang library?"tanong niya rin pabalik.
"Ha? Anong, anong library?" ako
"Sandali, sandali lang binibini..."ha?binibini? Ang lalaim nun ah... wait parang alam ko na...
"Ah.. alam ko na...alam ko na.."tuwang tuwa kong sabi.
"Ha? Anong alam mo na?"sabi ng pusa na tila nalilito na.
"Hindi ka nakakaintindi ng engles tama ba?"tanong ko sa pusa.
"Ano ang engles, binibini?"tanong niya rin.
"Ang engles ay ang salita na di mo naintindihan kanina, isa itong baguhang lengguwahe na natagpuan ng mga mananaliksik sa isang lumang kuweba..."sabi ko sa kanya
"Ang halimbawa nito ay Library, na ang ibig sabihin ay silid aklatan..."pagpapatuloy ko pa, para mas lalo niyang maintindihan...
"Ah, iyon ba ang nais mong itanong kanina na di ko naintindihan, binibini..."
Sandali lang may napapansin ako kanina pa...
"Hoy, pusa kanina ko pa napapansin ang tawag mo sa akin...
hindi ba Master ang tinawag mo sakin kanina?"kanina pa kasi siya binibini ng binibini eh.. feeling ko isa akong mahinhin na dalaga at di makabasag pinggan...naiirita ako...
"Ah, iyon po ba?"ay hindi!!!
"Narinig ko lang po kasing sinabi ng isang mahikero ang salitang master at ang tinatawag niyang master ay ang indibidwal na kanyang sinusunod kaya naman sinabi ko sa sarili kong tatawagin ko ring master ang kung sino man na gugustohin kung maging aking amo, na susundin ko sa lahat ng oras...pero nakita kong parang nagulumihan ka sa tawag ko sa inyo, kaya naman upang hindi kayo mabigla ng husto ay hindi ko na lamang kayo tinawag na master..."
ang cute niya, sinabi niya lahat ng yun habang nakaupo siya at yung mga kamay niya ay kinukutkot niya sa isa't isa at ginagalaw galaw niya ang balikat at katawan niya...hehehehe. ang cute niya talaga... sa sobrang cute niya ay naiisip kong sinuntok ko yung mukha niya... hehehehe...
"Mmmeeeoowwww...."nagulat na lang ako ng marinig kong sumigaw yung pusa, at naawa ako sa kalagayan niya kasi....
nakabikangkang siyang nakashoot sa basurahan... huhuhuhu.. sorry baby cat...
Kinuha ko sya mula sa basurahan at naamoy kong mukha siyang iniduro kaya naman naisipan kong tawagin siyang bleach...dahil kailangang kailangan niya yun.. ang baho niya eh...
"Oo nga pala pano kita naging alalay ha, bleach?...
ay oo nga pala simula ngayon ay bleach na ang pangalan mo, ok ba?"sabi ko ng nagtwitwinkle ang mata ko.
"Opo, master gusto ko po."aww, ang cute niya talaga.
"Oh sige sagutin mo na ang tanong ko, paano kita naging alalay?"tanong ko sa kanya at baka lumihis pa ang usapan...

YOU ARE READING
HeAl
RandomThe girl is a girl. The boy is a boy. Can someone explain, why do we have to choose between love and responsibilities? Everyone says that being a gifted will give you sufferings that push your life into danger. So, being ungifted can make your life...