Kabanata 3

0 1 0
                                    

Hhhhhaaaayyyyy.


Unat. Unat.


Bend ng konti.


Talon. Talon.


Magandang umaga sa inyong lahat. Hehehehe.


Tangina talaga anong oras na ako nakatulog kagabi. Buwisit na yan. Madali lang pala buksan ang pinto na yun eh. Kailangan lang pala ng palad para mabuksan.


Nasaan kaya ang hinayupak na si bro. Parang gusto ko syang isalvage. Hehehehe. Mukhang magandang ideya yun ah.


Pero tignan muna natin ang mga gamit dito sa kuwarto baka naman pang out of the world din ang functions nila ah.


Hehehehe.


Masasabi kong maganda ang kuwartong ito. Katamtaman lang ang laki. Isang kama. May banyo na katamtaman din ang laki. At may bintana na.....katamtaman din ang laki.


Oo lahat katamtaman lang. Di naman sya bongga....pero pwede nang tirahan. Di naman ako mapili sa tutulugan.


Pwede mo nga akong patulugin sa sahig o kaya sa gubat.


Sanay ako dyan. Expert na expert.


Pero sa pagkakatanda ko ay sinabi ni kuya bro na umpisa na ng pag-aaral ko dito kinabukasan. So, ngayon yun. At dahil sa maganda ako kahit hindi maganda ang tulog at gising ko. Papasok ako ng maaga. Hehehehe.



Meron na akong schedule sa bag ko. Kasama na lahat ng gagamitin ko sa pag-aaral ay nandoon na rin.


Tama nga si kuya bro. Nandito na lahat ng kailangan ko. Pati narin ang mga susuotin ko ay nandito na rin.



Di ko nga alam kung paano napunta dito yung mga damit ko.



Siguro, pinadala ni master sa isa sa mga alaga niyang paniki kaya nandito na lahat ng damit ko. As in lahat talaga.



Naligo na ako dahil maamoy na ang di dapat mangamoy. Hahahaha. Alam na this.


Habang tinitignan ko ang uniform na suot ko, ay, napaisip ako hanggang sa kadulu-duluhan ng utak ko. Na......


napakaganda ko palang nilalang. Well, not to mention to you all of you maganda talaga ako. Kaya nga di ko na pinagisipan pa na si master ang lolo ko eh.


Mukha kasi siyang tekbalang.


Lumabas na ako sa kuwarto ko ng maayos ko na lahat ng kailangan ko,  dahil malapit na ang time para sa first subject ko. At yun ay....


Combat...


Hehehehe. My favorite.


Dito sa Combat ay itinuturo ang iba't ibang klase ng pag atake at pagdepensa sa isang labanan.



May 5 levels ang meron sa Melyon Academy, ang pinaka mababang level ay tinatawag na Rookies sila yung mga baguhang estudyante na napili mula sa audition. Lahat ng baguhan ay doon lang mapupunta. Walang baguhan ang napupunta agad sa ibang lebel. Kahit na sobrang lakas mo na.


Sophomore ay tawag sa mga estudyanteng nakapagtapos mula sa Lebel ng Rookies. Makukuha mo ang level mong ito kung makakaya mong maipakitang nagimproved na ang mahika o abilidad na meroon ka. Nangyayari ito sa ikaunang buwan ng mga Rookies o isang buwan na simula ng magstart ang klase. Nagkakaroon ng pagtatanghal para sa mga Rookies, upang malaman ang kanilang improvement.


HeAlWhere stories live. Discover now