Kabanata 8

0 0 0
                                    

Umaga na naman at ang panibagong araw na ito ay mahalaga para sa ating mga buhay at humihinga. Tayo man ay naghihirap o hindi, ay isa itong magandang umaga na lilipas at magbibigay ng magandang ala ala kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Kaya nga kami ni Bleach ay nagrarambulan na naman sa dorm dahil sa malilate na ako sa klase.

"Bleach ano ba, di ka ba kakain ha?"
Nakakainis kasi si bleach. Simula ng makarating ako dito kahapon ng mga alas 2 ng hapon ay galit na sya sa akin.

Hindi raw kasi ako umuwi ng maaga para malutuan ko siya at gutom na gutom na raw siya. Muntik na nga akong iyakan, yung mga taba niya raw sa tiyan ay mawawala na raw. PANGAKIT niya raw yun sa mga PUSANG gala... katulad niya.

"Ayoko, hindi ako kakain!"Aba't ang hinayupak na to.

"Bahala ka nga jan, kailangan ko na talagang umalis. Bye na!" Hinalikan ko na lang siya sa noo para mawala na ang galit niya.

Lumabas ako ng dorm ng nakabusangot pa rin siya. Maya maya lang ay magiging ayos na ulit yun kaya hindi ako nagaalala.

Pumunta muna ako sa bulletin board para malaman ang section ko ngayong sophomore.

At nalaman ko lang namang SECTION 1 ako...

Hindi ko lang alam kung gusto akong ipahiya ng mga teacher at isinama nila ako sa mga Sophomore na malalakas.

Habang papunta ako sa room ng sophomore 1 ay marami ang napapatingin sa akin. At meron silang naaawang expression para sa akin, siguro iniisip nila na kawawa naman ako dahil sa pagkapahiya ko sa performance ko noong lunes.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng S1(Sophomore 1) ay inayos ko muna ang damit ko at baka may gusot at hindi maganda sa suot ko ngayon.

*creck*tunog po ng pinto yan

Pagbukas ko ng pinto ay parang walang pumasok mula sa pinto ng classroom dahil hindi man lang tinapunan ng tingin ng mga estudyante kung sino ang pumasok. Siguro kung ang strict nilang teacher ang pumasok ay masisigawan na sila dahil sa sobrang gulo.

"Yuri dito!"may sumigaw mula sa likuran kaya napatingin ako doon.

*Shit*

Nandito sila.....

Bakit ko sila naging kaklase? Akala ko nasa higher level na sila???

Pumunta ako sa puwesto nila sa may likod at tinanong.."Hey! Bakit kayo nandito?"

Nakita ko namang nagtaka sila...

"I mean, bakit nandito kayo sa klaseng ito... akala ko nasa higher level na kayo."dagdag ko pa dahil sa mga expression nilang nagtataka.

"Ahhh yun ba! Sa totoo lang ay matagal na kami dito sa MA pero hindi naman kami nagaaral."sagot ni Lovelyn.

"Ngayong taon lang kami nagumpisang magaral dito dahil na rin sa utos ni Headmaster Edward."dagdag pa ni Katheryn.

"By the way doon ka na umupo sa tabi ni Kaine dahil wala nang ibang vacant seat."sabi naman ni Sheena.

Napatingin ako kay Kaine at nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Hindi kaya magalit 'to kapag umupo ako sa tabi niya.

Napatingin ako kay Sheena ng may nagaalinlangang tingin. Kinakabahan ako na ewan, hindi naman ako ganito sa iba eh. Ano bang nangyayari sa'kin bakit ako nagkakaganito? Hayst! Ang gulo gulo.

Umupo na ako sa tabi ni Kaine dahil nangangalay na ako sa pagtayo...

Hindi ako mapakali sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Ni hindi ko nga hinahayaan na dumampi ang braso ko sa braso niya at baka maramdaman niyang kinakabahan ako.

HeAlWhere stories live. Discover now