Yuri, pumarito ka nga at may itatanong ako sa iyo.
Bakit kaya niya ako pinapatawag.
Ginamit niya ang pagiging mind reader niya, at pinasok ang utak ko't nagmessage.kayang kayang gawin yun ng mga mind reader.
"Master bakit po?"
Alam kong seryoso siya ngayon kaya kailangan kong mag po sa kanya. Tinatawag lang niya akong yuri kapag seryoso siya at nagtetraining kami.
Sya ang nagtuturo ng lahat ng dapat kong matutunan sa labas ng kuweba. Katulad na lamang ng pagkontrol ko sa abilidad na mayroon ako.
Ang pagsasalita ng engles, ay siya rin ang nagturo sa akin. Kaya marunong akong magsalita nito at umintindi.
Di ko nga alam kung bakit marami siyang alam. Eh parehas lang naman kaming taong kuweba. Amoy lupa nga lang siya.
Pagdating ko sa sala namin.
Oo may sala ang kuweba nato. Dahil sa kaibigan ko ang mga hayop sa gubat, sila na lang ang ginawa kong guards para di pasukin ang kuwebe. Para kahit wala kami ni master ay walang mangyayaring masama sa kuweba.
Matagal na panahon na rin simula ng manirahan ako rito sa kuweba. Sige mahigit 13 taon narin. Umaalis lang ako dito kung inuutusan ako ni master na bumili sa bayan ng leyeor.
"Nabalitaan mo ba ang audition na naganap noong nakaraang apat na araw."
"Opo, audition iyon sa pagpasok sa Akademya ng Melyon."
"Bakit master?"naguguluhan ako dahil simula noon ay hindi niya ako kinausap tungkol sa Melyon Academy..
"Bakit hindi ka nagudition? Iyon lamang ang araw na maaari kang pumasok sa akademya kapag napili ka." nagtataka na talaga ako ha. Ano bang meron sa akademya na iyon, eh puro lang naman mga brats ang nanduon.
"Wala. Wala akong plano na umalis sa tabi niyo."
"At bakit naman?"tanong niya ng nakakunot ang noo.
Hay naku ang matandang toh talaga akala mo naman kinabata niya ang pag kunot ng noo.
"Eh kasi naman po master, uugod-ugod--- tuugggssshh."
"Aray ko naman, master."napasigaw ako sa sakit. Grabe ang lolo niyo kahit uugod-ugod na siya, malakas parin pumalo.
"Umayos kang bata ka. Seryoso ako ngayon."aba mukhang seryoso nga si master ngayon ah.
Ramdam na ramdam kong seryoso nga sya. Ano kayang nakain nito.
Kakainin ko rin. Hehehehe.
"Sige na nga seryoso na tayo. Hhhuuuhhhh. Serious mode."
"Ano po yun master."sabi ko ng seryoso. Yes seryoso na ako this time.
"Pumunta ka sa Molyen Academy, at ibigay mo ito." may inaabot si master na gold na badge.
"Para san to master?" bakit niya ako binigyan ng gold badge?
"Ibebenta ko ba to sa Molyen Academy? May bibili kaya nito? Ha master?" pag angat ko ng tingin kay master, nakakatakot na manananggal ang nakita ko. Shit gusto ko pamg mabuhay.
"Ah. Hehehehe. Master anong gagawin ko sa badge na to?"
Nakakatakot talaga sya.
YOU ARE READING
HeAl
RandomThe girl is a girl. The boy is a boy. Can someone explain, why do we have to choose between love and responsibilities? Everyone says that being a gifted will give you sufferings that push your life into danger. So, being ungifted can make your life...