"Hay ang tagal naman ni Yuri, nasan na ba yun ha? Sinasabi ko na nga bang kailangan ko siyang gisingin eh."
May isang babaeng naghihimutok dahil sa sobrang tagal dumating ng kanilang hinihintay.Ang oras ay tumataginting na 4:37 ng madaling araw. Hindi nila akalain na mahuhuli nga ang babae na si Yuri.
"Katheryn relax lang. Huwag kang highblood, darating din yun."sabi ng isang babaeng may itim na buhok na hanggang baba ng kili kili ang haba. Minshen.
"Hoy Minshen, anong relax relax ha? Alam mo ba kung ilang oras na tayo ditong naghihintay? Isang oras lang naman po at labing limang minuto."sabi naman ng isang babae na may brown na buhok na hanggang puwetan ang haba. Sheena.
"Huwag na kayong magreklamo, hintayin na lang natin siya. Darating na rin yun maya maya."suway naman sa kanila ng babaeng may reddish na buhok na hanggang balikat. Lovelyn.
Samantala sa isang puno naman na malapit lang sa magkakaibigan ay may pusang kagigising lang...
"Master gising na. Tanghali na!"bulong na gising ng pusa sa isang babaeng mahimbing na natutulog.
"Hmmmm sandali na lang."antok na sabi ng babae na may kulay sky blue na buhok na may highlights ng puti sa ilang bahagi ng kanyang buhok. Sarap na sarap siya sa pagtulog na animo'y nasa isa siyang magandang lugar na gugustuhing mapuntahan ng bawat isa.
"YURI NASAN KA NA BA!!!"
Napabalikwas ng wala sa oras ang babaeng natutulog at sa kasamaang palad ay nahulog siya mula sa sanga ng puno na kanyang kinahihigaan.
"Aray ko!!!"yan na lang ang kanyang nasabi dahil sa katangahang ginawa niya.
Napatingin ang magkakaibigan sa lugar na pinagmulan ng ingay. At doon ay nakita nila ang babaeng kanina pa nila hinihintay. Himas himas ang balakang na naglakad si Yuri patungo sa kanyang mga kasama.
"Good morning friends."bati niya sa lahat ng naroon.
Hindi niya mawari kung bakit mayroong kakaibang tingin ang mga kasama sa kanya. Sa wari niya'y galit na galit ang mga ito.
"Good morning? Ano ang maganda sa umaga, ha?"hindi na napigilan ng babaeng nagngangalang Katheryn ang kanyang galit dahil sa tagal nilang paghihintay, ay nauna na pala sa kanila ang kanina pa nilang hinihintay.
"Let's go everyone, baka hindi ko matantsa ang isang ito at baka mapatay ko yan."aya niya pa sa mga kasama dahil hindi nila matatapos ang misyon kung magaaway pa sila doon.
Napakamot na lamang sa ulo niya si Yuri dahil sa kahihiyan. Iniisip niya pa nga noong una na siya ang mauuna sa lahat dahil nasa puno lang naman siya, sa sobrang aga niyang nagising at nakapagayos ay alas 2 pa lang ng umaga ay nasa meeting place na sya. At dahil sa tagal ng paghihintay ay nakatulugan na niya ito. Naiinis siya sa sarili dahil sa pagkakamali niya sa unang misyon na makakasama niya ang Special Section.
"Sorry!" iyan na lamang ang nasabi niya sa lahat.
......
Sa loob ng limang oras na paglalakad ay walang nagsasalita dahil sa alam nilang galit ang Leader at sub. Leader nila.
Dahil sa kahihiyan ay hindi na lamang umimik muli si Yuri. Tinitignan niya na lang ang paligid at pinapakiramdaman ito kung may banta ba. At kahit doon man lang ay makabawi siya.
Habang si Sheena at Minshen ay kanina pa nagbubuntong hininga dahil sa gutom na kanilang nararamdaman. Hindi lamang iyon, pagod na pagod na rin sila dahil sa tagal ng kanilang paglalakad ng walang pahinga.
Hindi sila makapagreklamo dahil sa mainit pa ang ulo ng leaders nila. Napatingin si King kay Luna dahil sa kanina niya pa ito napapansing hindi mapakali.
![](https://img.wattpad.com/cover/253076446-288-k270275.jpg)
YOU ARE READING
HeAl
RandomThe girl is a girl. The boy is a boy. Can someone explain, why do we have to choose between love and responsibilities? Everyone says that being a gifted will give you sufferings that push your life into danger. So, being ungifted can make your life...