Kabanata 6

0 0 0
                                    

Yuri's POV

This is the day...

ang araw na pinakahihintay ng lahat ng Rookies, ang araw na magiging dahilan ng aming pagangat o aming pagbagsak, walang nakakaalam...

Pupunta ang lahat ng mga studyante...

Mula sa mababang level... ang rookies which is the performers o ang mga magtatanghal, sophomore, junior, senior, at tribes.

Lahat sila ay nandito walang kulang kahit isa...

1st day which is Monday ay ang araw ng mga Rookies, sumunod ay ang Sophomores, then junior, senior and last is tribes.

"Bleach nasan ka?"hay naku umpisa na naman ng kalbaryo namin ni bleach.

At ang paumpisa namin sa araw araw ay maghanapan sa buong dorm...

baka kasi sumiksik na naman siya sa damitan ko o kaya naman ay nasa loob ng inidoro at isinara ang pantakip ng toilet, o kaya naman ay nasa ilalim ng kama at kung saan saan pang lugar dito sa dorm na pwede niyang pagtulugan.

"Master ano po ang maipaglilingkod ko?"pupungas pungas niyang sabi at uminat inat pa.

"Ngayon ang pagtatanghal namin. Manunuod ka ba?"tanong ko.

"Oo naman po master, iniidolo po kita eh..." aww. Ang cute niya talaga.

Ok lang yan bleach, be a supported friend...

"Sasabay ka ba sakin o hindi?" Ako

"Hindi na po master may gagawin pa ako eh.." Bleach

"Ok sige, aalis na ako pinapapunta pa kasi ako ni kuya bro sa office niya eh." Ako

Inaayos ko ang buhok ko ngayon para di siya maging sabagal sa gagawin ko mamaya.

"Ok po master." Bleach.

Nakita kong dumiretso siya sa c.r. mukhang mag aayos pa ang lola niyo... hayaan niyo na baka makahanap na siya ng lovelife niya doon mamaya eh...hehehe.

Hanapan ko kaya siya ng bf...

Lumabas ako ng dorm ng naka white round neck na damit, black track pants, and black and white na shoes. Naka sombrero din ako ng itim...

*****

Minshen Claw's POV

Ang tagal naman nilang dumating, paspecial talaga ang mga yun...

Kanina pa akong naghihintay dito sa gym field pero wala pa rin sila...

Ito nga palang gym field ay ang pinakamalaking field sa buong M.A. isa itong field na natatakpan o may cover sa buong paligid... para lahat ng manunuod ay hindi mainitan, maaarte kasi ang mga estudyante dito eh...

"Yoww minshen..." Joshua.

Atlast nandito na rin sila...

Tumingin ako sa kanila.."Ang tagal niyo naman, ano bang ginawa niyo ha?"inis kong sabi, nangungunot ang noo ko sa sobrang inis.

"Sorry naman friend may inasikaso lang kami." Sabi ni sheena at nagbuntong hininga.

"About na naman ba yan sa babaeng yun, ha?"tanong ko. Sa totoo niyan kasi simula ng magising kami ay hinahanap na nilang lahat yung babaeng yun... at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito nahahanap.

"Baka naman kasi hindi siya tagarito sa M.A.?"sabi ko sa naiisip kung dahilan kung bakit hindi pa rin nila ito nahahanap. For 2 executive days ay tuloy tuloy sila sa paghahanap doon sa babae. Galit na galit si leader sa kaniya, yung tunay naming leader.

HeAlWhere stories live. Discover now