Chapter 10

1.8K 39 7
                                    

Xander's POV

Its been 2 days since we got here, nag enjoy naman ako. Maraming mga activities ay nagawa namin, nagtanim kami ng palay, nag libot ulit kami ng Villa gamit ang kabayo, na meet ko yung ibat ibang tao dito, make friends, and many more.

About sa falls, well, Im a little bit mad at Demi. Im scared at falling, falling in deep waters, not in Demi. Why would i fall for him? Err, hes hot, handsome gay. 

Lets not talk about Demi, ok?

" August! " sigaw ni Hyden mula sa entrada ng kitchen.

" Hyden , hi " sabi ko.

Lumapit siya sakin at balak akong yakapin kaso pumagitna si Boss. Tss, baklang to. Yayakap lang yung tao eh.

" What are you doing here? "seryusong tanong ni Demi. I never seen him like that, yes hes a very serious in business and things. Pero iba yung ngayon, may something sakaniya eh.

" Manghihingi ng malungay , Duh, of course bibisita keyla tita " sarcasismong sabi niya.

Pansin ko pag nandito si Hyden nagiging manly si Boss, hay, seguro namamalik mata lang ako.

Balak sanang umupo sa tabi ko si Hyden pero tinulak siya ni Demi.

" Doon, ka nga. " sigaw ni Demi kay Hyden

" Bakit? Eh wala namang nakaupo ah ! " sigaw naman ni Hyden.

Itong dalawang to parang mga bata, kung magtalo daig pa ang mga batang nag aagawan sa laruan.

" Ako nauna " seryusong sabi ni Hyden

Nilapitan ni Demi si Hyden at nagsukatan sila ng tingin. Woah, is this a war?

" Hindi,  ako " yan, naring ko nanaman ang kaniyang baritone voice , wow bakla ka, anyare?

Mukha silang maglalaban sa boxing eh, nagsusukatan ng tingin.

" Kids, what are you doing? "

" Are you guys fighting? "

Ok, the sweet couple is here. Magka holding hands pa sila habang naglalakad palapit saamin. Pinutol na nila Hyden yung titigan at pataasan nila.

Umpo si Demi sa tabi ko, habang si Hyden naman ay lumapit keyla tita para batiin sila.

" Hi po, tita, tito. " nagmano siya keyla Tita and Tito.

" its good to see you Hyden, hows your mama? " tanong ni Tito

" Mama is fine tita, gusto niya sanang bumisita dito kaso may emergency daw sa flower farm niya. " sabi niya.

Umupo sila tita and tito sa usual seats nila.
Gosh i really love thier breakfast, yung breakfast pa lang busog ka na.

While having breakfast with Hyden and the folks, ay marami akong nalaman kay Hyden. That Hyden is an Engineer too, Wow this man must be loaded. And i learned that panganay siya at may twins na kapatid. Si Solar, at si Eclipse. Solar is a girl, Eclipse is a boy. And both good looking. Gosh, ang ganda ng lahi nila.  Well maganda din naman lahi nila Boss.

After breakfast ay naghanda na kaming umalis, yeah, aalis na kami. This is our last day here, and it makes me want to cry. Im gonna miss Tito and Tita. The places here, especially the Falls where i experienced  nearly death.

Nagpa alam na kami keyla Tita, gosh mamimiss ko talaga sila. Naging emosiyonal pa si Tita kasi ayaw niya akong paalisin. At mukhang nagselos si Demi, HAHAHA mama's boy .

Habang nasa byahe kami ay pansin ko ang kaniyang pagkairita. Anyare sa baklang to? Dont tell me nagseselos pa rin siya sa ginawa ni Tita?

" Hey, bakit beast mode ka ata ngayon? Ayiee nagseselos siya " pangtutukso ko sakaniya.

Tumingin siya sakin, tapos umirap. Wow baklang to.

" Ayiee nagseselos siya " sinundot sundot ko pa beywang niya. Pero mukhang mamatay ako ng maaga kasi bigla niyang nailihis ang kotse papuntang kalewang lane, jusko mabuti nalang walang masiyadong kotse na dumadaan.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. He pulled over sa gilid. Tinignan niya ako ng napakasamang tingin.

" Oo nagseselos ako kasi hinalikan ka ni Hyden sa pisngi " bulong niya , pero narinig ko pa din.

Anong nangyayare kay Boss? Nagiging lalake na ba?
Hay ewan.

Magtatanong na sana ako kaso bigla niyang inistart yung engine, kaya tumahimik nalang ako. Yeah thats right, SHUT UP.

Nakarating kami sa Metro mga around lunch time na. Hay tapos aalis nanaman kami, napapadalas na yung out pf town namin. Tinanong ko siya kung sino ang mag mamanage ng business niya, sabi niya si Warren daw muna yung bahala sa business niya. Gogora kami paalis mamayang around 2 pm. I need to pack my bags kasi one week kami. Ewan ko ba kung saan kami pupunta.

Sinundo ako ni Boss around 1:55. Tss akala ko ba mamayang 2 pa? Bat ang advance niya?

"Saan ba tayo pupunta? " tanong ko sakaniya

" Wag kang exited, baka nga pag nakarating tayo doon mag thank you ka pa sakin "

" Saan nga? " tanong ko ulit.

" Basta " sabi niya, mag sasalita pa sana ako kaso he put a finger on my lips.

Diyan, diyan siya magaling sa mga BASTA niya, yung isang BASTA niya muntik ko ng ikamatay.

" Gusto mong dumaan tayo sa fast food? Malayo pa byahe natin, mga 5 hours pa " sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot.

So, yun nga, bumili kami ng burger, di mawawala ang milk tea at fries , at prutas ( gagiks oy 😂).

Habang nagmamaneho siya ay sinusubuan ko siya.
Pagkatapos kong kumain ay umidlip ako sandali.

DEMI's POV

Habang nagmamaneho ako ay napansin ko na naka idlip na si Xander. Bakit ba kahit natutulog siya ang ganda niyang tignan? Tss, natotomboy na ata ako. Ewwww.

Bakit ba kasi naiisipan kong dalhin siya sa lugar nayon. Shes just my personal assistant, and nothing more.

Gosh, bakit ba kasi ang layo ng lugar nayon.

BTW, today is Kith's engagement party. Yes, my gaylalu friend is getting married. Baklang too talaga, akalain mo yun, ikakasal na yung pinaka cold saaming mga bakla. Ikakasal na si Queen Elsa niyo.

Pero arrange marriage Yun, ikakasal siya sa childhood bff niya. Si Migz. Maggie Tonya Velasco.
Gosh, i still cant believe it na ikakasal na siya.

Nakarating kami sa Venue arround 5 pm. Bukas pa naman yung party. Kaya may time pa para magpahinga. Ginising ko si Xander pero yung bruha tulog mantika. Tss, magpapabuhat nanaman to eh.
Nagpatulong ako sa isang tauhan nila Maggie para magbuhat ng mga gamit, at ako, bubuhatin ko tong bruhang to.

Yes, Maggie owns the beach resort. Pinaghirapan niyang ipundar niya ito. Isa siyang blacksheep ng pamilya nila. Di niya gustong sumunod sa family code nila, pero heto siya magpapatali sa arranged marriage.

Nakarating kami sa room namin. Yeah, NAMIN. Wala na daw bakanteng rooms , kasi napuno na para sa engagement nila. Inilapag ko siya sa kama niya, Oo kama NIYA. Syempre kahit nasa iisang kwarto kami dapat may gap din kami.

Lumabas muna ako saglit, i need to talk to Kith. Baklang to kaylangan niyang mag chika samin.

********************

Sabog yung UD ko huhuhuhu, sorry, medyo lutang ako. 3 days na kasing sumasakit yung ulo ko tapos sinabayan pa ng Medterm exam namin. Tapos mga videos sa PE na dapat ipasa.

Stress na Stress na ako sa paperworks.

Minsan dumadating sa part na gusto ko ng mag give up kasi ang hirap hirap na. Pero sabi ko sa sarili ko, anong mangyayari sakin pag di ko pinagpatuloy yung pag aaral ko. Paano na sila nanay? Paano na future ko?  So guys, wag tayong susuko. We need to fight, laban lang. Matatapos din tong paghihirap natin.

FIGHTING!

*****
Btw gumawa ako ng Facebook acc.

Facebook acc | Mcm Desoloc

same profile pic and cover photo para di kayo malito.

Love u guys😽

𝑮𝒂𝒚𝒍𝒂𝒍𝒖 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 # 1: 𝐓𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐲'𝐬 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐨𝐧𝐞𝐫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon