Chapter two
"Ibig sabihin, para kayong mga Montagne and Capulet sa walang kamatayang Romeo and Juliet? Di kaya para kayong mga Aquinos and Marcoses?" tanong ni Joy kay Rein habang papunta na sila sa parking lot.
"Yeah, right!" pakli niya.
"Gano'n ba?" maang-maangan na reaksyon ni Nicki. "Myghadddd, sa dami nang magiging kaaway ng pamilya niyo, bakit ang pamilya pa ni Mark?"
"Aba, malay ko. Hindi pa man ako isinisilang sa mundo, may kaaway na ako."
"You know what Rein, magbati na kayo. Tingin ko naman Mark is a nice guy. Nakita niyo naman kanina how very accomodating siya. And, mukhang gustong makipagkaibigan sa iyo no'ng tao. Right guys?" sabi ni Joy.
"Yup!"
"Mismo!"
"Tumigil nga kayo dyan. Namamlastik lang iyon. Paano ako makikipagkaibigan sa apo ng taong nagpapatay sa lolo ko at minsan na ring nagtangka sa buhay ng daddy ko?"
"Wait, what? Nagpapatay?" hindi makapaniwalang tanong ni Aubrey.
"Yeah, we know that they were the one who plotted to ambush my grandfather two years ago. Sila rin ang may pakana sa pagpapasabog sa sasakyan ni daddy five years ago. Noon pa man, ang mga pamilya na talaga namin ang magkalaban sa politika. Naghaharian-harian sila sa lalawigan namin at natatakot silang matapos ito kapag may pamilya kaming tumatakbo sa eleksyon."
"It seems na malalim nga ang ugat ng away ng mga angkan niyo." sabi ni Nicki.
"Malalim nga. May mga taong nagbuwis na ng buhay. Kaya, kung alam ko lang na ang Mark na yan ang vocalist ng bandang panonoorin natin, ay hindi na sana ako sumama pa rito."
"Pero, hindi mo ba naisip Rein na pupwedeng sa inyong dalawa matapos ang away ng mga pamilya niyo?" tanong ni Joy.
"No way!" mariin at may final na sabi niya sa mga ito. "I think, we're destiny to born to be enemies."
"Iwasan mo ang lalaking iyon!" sabi ng tita Elaine ni Rein, ang bunsong kapatid ng daddy niya, pagkatapos niyang sabihin rito ang tungkol sa pagkikita nila ni Mark Montenegro sa Bar.
"Yes, tita. I know po. Hindi niyo na po kailangang warningan pa ako," sagot niya rito.
Mula pa noong mag college siya ay sa Manila na siya nanirahan kasama ang tita Elaine niya at ang sarili nitong pamilya. Kasama niya sa bahay na ipinatayo ng Lolo niya sa Makati ang family nito. Sila na rin ang mga naging pamilya nila ng kuya Lester niya mula nang sila ay maulila sa kanilang ina. Doctor ang mommy nila at namatay ito sa isang plane crash nang minsang magtungo ito sa isang medical field sa ibang bansa noong nine years old pa lamang siya. Noong fifteen years old naman siya nang mamatay ang daddy nila ng dahil sa atake sa puso.
Hindi man sinabi ng daddy nila, alam nila na dinamdam rin nito ang pagkatalo sa eleksiyon. Naniniwala kasi ang daddy nila na dinaya ng mga Montenegro ang resulta ng halalan noon. That time hawak-hawak ng mga Montenegro ang puwesto sa gobyerno.
"Anyway, tumawag pala ang Tito Andie mo. He said he has good news for us. Babalik rin daw siya sa Monte Carlo."
"Talaga, Tita?" masayang-masaya siya sa narinig.
"Yes. Matagal na rin niya kasing hinihiling iyon sa mga kasama niya. Mabuti naman ngayon at pinagbigyan siya. Now, mapapalapit na siya sa atin."
Ang Tito Andie na tinutukoy ng Tita Elaine niya ay ang kuya ng daddy niya. Panganay ito sa tatlo na magkakapatid. Sumunod dito ang daddy niya na sinundan naman ng tita Elaine niya na nakapag-asawa ng isang American politician at nakabase ito sa San Diego. Pinili ng Tito Andie niya na magtayo ng sarili nitong hospital kaysa pumasok sa pulitika.
Kahit maaga silang naulila ng kuya niya sa mga magulang ay hindi naman sila kunulang sa pagmamahal at gabay. Bukod sa lolo nila at tita Elaine niya ay parating nandyan at nakaalalay sa kanilang magkapatid ang tito Andie niya. Ito ang tumayong ama sa kanila.
Noong maliliit pa sila ay isa ito sa mga nag-aalaga sa kanya. She was his favorite niece. Kaya nang mamatay ang daddy nila, ito ang parating nandyan sa kanila ng kuya. Gustong-gusto niya itong kausap. Marami siyang natututunan dito kaya naman nalulungkot siya dahil bihira na lang niya Ito makasama dahil sa sobrang busy nito sa hospital na agad naman niyang naiintindihan.
"I can't believe na magkikita na kami uli ni tito Andie ng mas madalas," masayang sabi niya.
"Tamang-tama lang pala, summer vacation niya na. Pwede kang umuwi sa Monte Carlo. Gustong-gusto ka na rin makita ng tito Andie mo."
Simula nang ma-trauma siya pagkatapos ng nangyaring pagpapaulan ng mga bala sa van na sinasakyan nila ng lolo niya at sa kanya pa ito bumagsak na duguan at nag-aagaw-buhay, parang ayaw na niyang tumapak muli sa hometown nila. Pero ang kagustuhan niyang makita uli ang paborito niyang tito, her Tito Andie was enough reason for her to go back to Monte Carlo again.
BINABASA MO ANG
We're Meant To Be (On-going)
Любовные романы"Do you think you did not teach me to love you? No, you did that easily."