Chapter Seven

19 2 0
                                    

Chapter seven

Nang magsalita si Mark at i-dedicate nito sa kaniya ang sumunod na kanta ng kanilang grupo ay natigilan siya at napatingin sa kaniya ang halos lahat ng tao dahil itinuro pa siya ni Mark nang sabihin nito ang kaniyang pangalan.

"Please Rein, open you door for me," sabi nito sa microphone habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa kaniya. "I'm so sorry if you don't like what I do to your birthday. But with all my sincerity, I want us to be friends. I hope this song could soften your heart." Iyon lang at nagsimulan na itong kumanta na sinabayan ng pagtugtog ng buong banda.

Walk in your rainbow paradise (paradise)
Strawberry lipstick state of mind (state of mind)
I get so lost inside your eyes
Would you believe it?

You don't have to say you love me
You don't have to say nothing
You don't have to say you're mine

Honey
I'd walk through fire for you
Just let me adore you
Oh, honey
I'd walk through fire for you
Just let me adore you
Like it's the only thing I'll ever do
Like it's the only thing I'll ever do

Your wonder under summer skies (summer skies)
Brown skin and lemon over ice
Would you believe it?

You don't have to say you love me
I just wanna tell you something
Lately you've been on my mind

Honey
I'd walk through fire for you
Just let me adore you
Oh, honey
I'd walk through fire for you
Just let me adore you
Like it's the only thing...

Buong pusong inawit ni Mark ang isang kanta. Tuloy ay panay ang pang-aasar at tukso sa kaniya ng mga kababatang kasama niya sa lamesa.

"Will you guys stop? Baka mamaya isipin pa niyang type ko rin siya," suway niya sa mga ito. But for the first time ay iba ang sinasabi niya sa totoong damdamin niya. Pero hinding-hindi niya aaminin na kinikilig siya kay Mark.

Nang matapos ang kanta nina Mark ay nagpaalam na rin siyang umuwi. "Sorry tita, pero may curfew po kasi ako habang nandito ako sa Monte Carlo," pag-aalibi niya na lang sa mommy ni Lizelle.

Dahil fiesta sa lalawigan ng Monte Carlo ay nagkaroon ng maraming activities na kanilang nakasanayan. Ganito nila ipagdiwang ang fiesta, week long celebration.

Isa sa naging activities ay ang palarong-bayan. May exhibition game din ang ilang professional basketball players at ilang mga artista na naging kalaban ng mga taga-Monte Carlo. Isa si Mark sa mga players para sa Monte Carlo team.

"Bakit ba lahat na lang ng events dito ay meron yang Mark na yan?" pabulong na tanong niya sa kasamang si Lizelle.

"Ano kaba naman Rein, syempre magaling siya sa basketball."

"Magaling? O, baka naman nagmamagaling lang."

But, inaamin niyang magaling talaga si Mark. Bukod sa magaling Ito sa depensa, assist, steals, at rebounds ay magaling pa ito sa lay-up at outside shooting. Kapag nakakaagaw ito ng bola at itinutuloy niya ito sa isang kahanga-hangang fast break. Tilian at palakpakan tuloy ang mga nanonood na kababaihan.

Bakit ba magaling ang lalaking ito sa lahat ng bagay? naiinis na bulong niya. Niyaya niya na si Lizelle.

"Teka lang, ang ganda ng laban. Lamang na ang mga taga-Monte Carlo."

"Bahala ka kung tatapusin mo. Basta ako, uuwi na," nakasimangot na sabi niya.

Paalis na sana siya sa kinauupuan nang mapansin niyang nakatingin si Mark sa direksiyon nila. He smiled and waved at me. Umismid siya, saka binawi ang tingin niya dito. Tingin ba nito, kaya ako nanonood ay dahil sa kaniya. Asa siya!

Dahil walang sinuman sa pamilya at kamag-anak ni Rein ang pumayag sa ipinakikiusap ng Tito Andie niya na simulan na ang pakikipagkasundo sa mga Montenegro ay hindi na iyon pinilit pa sa huli. Pero nalulungkot siya kapag nakikita niya ang kaniyang Tito dahil alam niyang maganda naman ang hangarin nito. Gusto man nila ng kuya niya na makipagtulungan dito ay hindi naman nila alam kung paano, lalo pa at nakakairingan ng kuya niya ang pinsan ni Mark na si Clyde.

Kahit kasi alam ni Clyde na girlfriend ng kuya niya si ate Kate ay pilit paring nililigawan nito ang babae. At mukhang hindi parin nito tanggap na ang kuya niya ang sinagot ni ate Kate.

Nasa restaurant sina Rein, Kuya Lester, at Ate Kate nang mapansin niyang nasa kabilang table sina Clyde at ang mga barkada nito.

Nagkatinginan ang kuya niya at si Clyde.


"Just don't mind them, Rein," sabi nito sa kaniya na nag-concentrate na lang sa pagkain.

Nang matapos silang kumain ay nagmamadali na silang umalis. Ngunit parang nananadya, lumabas din ang grupo ni Clyde. Halos kasunod lamang nila ang mga ito.

"Yan ba ang ipinagmamalaki mo, Kate? Eh, mukhang magiging lousy lover yan," sabi ni Clyde kay ate Kate.

"Mukhang lampa."

"Rein, Kate, pumasok na kayo sa kotse," sabi sa kanila ng kuya niya.

"Kuya, please wag mo na lang silang pansinin," pigil niya sa kuya niya, sabay hawak sa braso nito.

"Oo nga naman, Lester. Halika na. Let's get out of here," sabi naman ni ate Kate.

Hindi parin tumigil sa pagpaparinig si Clyde kaya hindi na nakapagpigil ang kuya niya. Galit na hinarap nito ang lalaki. "Ano bang problema mo, ha?" Kinuwelyuhan nito at itinulak si Clyde sa hood ng sasakyan. Agad nakisali ang mga barkada ni Clyde at halos sabay na sinugod ang kuya niya. May sumuntok sa kuya niya ngunit mabilis itong nakaiwas.

"Mga tol, hayaan niyo kami," sabi ni Clyde. "Walang nakikialam!" dagdag nito sa mga kasama.

Lumayo naman ang mga kasama nito

Tinawag naman ni ate Kate ang mga guards ng restaurant.

Sinuntok ng kuya niya si Clyde na ikinasadsad nito.

Sinikap nilang awatin ang dalawa ngunit nagpagulung-gulong na sa semento ang mga ito, hanggang sa mapailalim si Clyde. Halos sinakyan na ito ng kuya niya dahil di hamak na mas matangkad at mas malaki ang bulto ng kuya niya kaysa kay Clyde.

Kahit dumating na ang dalawang guards ng restaurant ay hindi parin maawat ang dalawa. Duguan ang ilong at putok ang labi ni Clyde nang maghiwalay ang dalawa.

"Bakit ba hindi mo matanggap na ako ang pinili ni Kate?" tanong ng kuya niya kay Clyde.

"Tarantado ka! Baka nakakalimutan mo kung sino itong kinakalaban mo?" nagwawala pa ring sabi ni Clyde habang inaawat ng dalawang guards.

"Let's go, kuya. Umalis na tayo rito." Halos hilahin na niya ang kapatid niya palapit sa pinto ng sasakyan.

Tumulong na din si ate Kate sa paghila sa kuya niya paalis sa lugar na iyon.

"Ang mga walang-hiyang Montenegro na iyon, wala na talagang ibang ginawa kundi ang hamunin tayo!" galit na sabi ng kuya niya.

We're Meant To Be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon