Chapter Nine

7 1 0
                                    

Chapter nine

"Salamat at pinagbigyan mo ang imbitasyon ko, hija," sabi ni Governor Alejandro Montenegro nang magkaharap na sila ni Rein.

"Bilang respeto lang ho sa position niyo kaya ko kayo pinagbigyan. Pero wala hong alam dito ang kahit sinong elders ng pamilya namin."

"Now I know kung bakit pumayag kaagad si Mark sa ipinakiusap ko sa kaniya. Maganda ka nga palang talaga hija."

"What do you mean po?" Huwag niyong sabihing may kaugnayan si Mark sa imbitasyon niyong ito?

"Tungkol ito sa kaso ng kuya mo, hija."

"Wala po siyang kasalanan. Na-frame-up lang po siya at malamang na pakana iyon ng apo niyong si Clyde."

"Kung gano'n, bakit hindi ka lumapit sa akin?"

Hindi siya agad nakasagot. "Ako, lalapit sa isang Montenegro? No way!" sagot niya mayamaya.

"Nakalimutan mo na bang ako ang ama ng lalawigan natin at maaari mo akong hingan ng tulong kahit anong oras?"

"Apo niyo po ang kalaban ng kuya ko. How will I expect you to favor us?"

"Because you don't see me as a righteous and just person. Dahil ang tingin niyo sa lahat ng Montenegro ay madumi," sabi ng governor na tila may hinanakit sa himig.

Hindi siya nakaimik.

Tumayo ito mula sa kinauupuan at umikot papunta sa kaniya. Naupo ito sa harap niya. Noon lamang niya nakaharap ng ganoon kalapit si Governor Alejandro Montenegro mula nang maupo ito bilang gobernador ng Monte Carlo.

Nakalaban ito ng lolo niya pero alam nilang minanipula nito ang resulta ng eleksiyon. Muli sanang tatakbo sa eleksiyon ang lolo niya para labanan ito pero na ambush ang kaniyang lolo. Naniniwala silang ang kampo ng gobernador ang may pakana ng pagkaka-ambush sa lolo niya dahil na rin sa mga statements ng mga naging witness. Pero ang masaklap dito ay namatay naman ang mga ito kaya  walang naisampang kaso.

Patapos na ang ika-apat na termino nito. Napansin niyang bumagal din itong kumilos kaysa sa dati. Parang tumanda ito ng limang taon.

"Malalim na talaga ang hidwaan sa mga angkan natin," malungkot na sabi nito.

"At babae din ang pinag-ugatan ng away nina Lester at Clyde,  hindi ba?"

"Opo. Pero siguradong si Clyde Montenegro Pascual ang may kasalanan."

"Hindi ba kinausap na kayo ng Tito Andie niyo tungkol sa hangarin naming magkasundo-sundo na ang mga Fuentes at Montenegro?"

"Opo."

"Ang tanging naiisip naming solusyon para matapos na ang hidwaan ay ang pagpapakasal ninyo ni Mark."

Bigla siyang napatayo sa narinig. "Kasal?  kay Mark?"

"Kapag nagsanib ang dalawang pamilya through matrimony, ang mga hindi pagkakasundo ay unti-unting nang maaayos."

Hindi alam ni Rein kung tatawa siya o ano. "Hindi naman siguro kayo seryoso, Gov."

"Your joking, right?"

"I'm not and I am serious about this hija."

Tumayo ito at umikot sa kabila ng lamesa nito papunta sa kanya. Umupo ito sa silyang nasa harap niya.

"Alam mo hija, nang maospital ako last month. Naisip ko na napakaikli pala talaga ng buhay ng tao at hindi natin hawak ito. Any moment ay pupwede tayong mamatay. Kaya bigla kong narealize na dapat siguro bago dumating ang araw na iyon ay naiayos na ang mga dapat ayusin. At gusto ko sanang bago ako mamatay ay matapos na ang matagal na sigalot ng ating pamilya mula pa sa ating mga angkan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Meant To Be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon