Chapter Six

24 7 0
                                    

Chapter six

Parang gustong maawa ni Rein sa Tito Andie niya dahil wala sa pamilya at mga kamag-anak nila ang pumayag sa nais nitong mangyari. At lalong walang sino man sa kanila ang pumayag na makipagkasundo sa mga Montenegro.

Nagtaka pa sila ng Kuya Lester niya nang ipinatawag sila nito sa office sa bahay nila kinabukasan.

"Kayong magkapatid ang pinatawag ko dahil alam kong mas bukas ang isip niyo sa pakikipagkasundo sa mga Montenegro," panimula ng Tito Andie niya nang maupo ito sa harap nilang magkapatid.

Nagkatinginan sila ng kuya Lester niya. Bago pa man sila pumuntang magkapatid ay may ideya na sila sa maaari nitong sabihin. Alam na nilang ipipilit lamang nito ang sinabi niya kahapon.

"Nalaman niyo na kung ano ang gusto ko sanang mangyari, hindi ba?" sabi nito. "Gusto kong tapusin na ang matagal nang hidwaan sa pagitan ng mga Montenegro at Fuentes. Iyon ang dahilan kung bakit nagpaalam ako sa mga kasamahan ko sa hospital na bumalik ako rito. Isang malaking kabiguan sa akin kung ang sarili kong pamilya at ang mga Montenegro ay hindi ko man lang magawang pagkasunduin. Tama na ang bintangan, batuhan ng maruruming salita, kompetisyon at pag-aaway."

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ng kuya Lester niya. Maging siya ay gusto ring mapabuntong-hininga.

"Pero, Tito, basta na lang ba natin kalilimutan ang mga kasalanan nila sa pamilya natin?" tanong ng kuya niya.

"Wala tayong maipakitang matibay na ebidensiya na magpapatunay sa mga ibinibintang natin sa kanila. Ganoon din naman sila sa atin. Posible ngang totoo ang ibang ibinibintang natin sa kanila, pero posible ring nadadala lamang tayo sa ating mga emosyon. Come to think of it, hindi kaya nailagay na lang sa isip natin na kapag may nangyaring masama sa pamilya natin ay sila agad naiisip nating gumawa niyon? Kagaya sa nangyari noong eleksiyon, nang matalo ang isang Fuentes ay inakusahan nating nandaya ang mga Montenegro. Kapag wala tayong makitang ebidensiya sasabihin nating binayaran nila ang mga taong saksi sa dayaan o ang taong nagmaniobra ng resultang iyon para tumahimik.

"Nang mamatay ang witness sa pang-aambush sa Lolo mo, iniisip kaagad natin na ipinapatay siya ng mga Montenegro kahit may mga nagsasabing napatay Ito ng isang holdupper. Wala na tayong ibang itinuturong may kasalanan kundi ang mga Montenegro, bagay na ikinagagalit naman nila sa atin. Isa pa yung sa mga pa-interviews sa media ng mga Tita at Tito niyo, halatang pinagbibintangan nila sa pagkaka-ambush ng Lolo niyo ay ang mga Montenegro. Kaya nagsampa rin sila ng demanda laban sa Tita Elaine niyo. I'm so sick and tired of this Fuentes' and Montenegros' feud. Kung hindi pa natin tatapusin ang hidwaang ito ngayon, kailan pa?"

"Pero, Tito Andie, hindi ibig sabihin na kapag walang matibay na ebidensiya ay hindi na sila ang may gawa. At saka nakapagdecide na ang ibang miyembro ng pamilya natin. Para sa kanila, imposible ang pakikipagkasundong sinasabi niyo. Masyado nang malalim ang mga sugat."

"Kaya nga kayo ang kinausap ko para kayo din ang magpasimula ng pakikipagkasundo sa kanila."

"Tito, ang mga Montenegro ang gustong-gustong makipagkompetensiya sa mga Fuentes. Alam niyo po bang ang girlfriend ko ngayon ay nililigawan din ni Clyde Montenegro Pascual? Sa dinami-rami ng babae rito sa Monte Carlo, bakit kung sino pa ang gusto ko ay-"

"See, that? Walang magiging katapusan ito. Alam kong sa simula ay mahirap gawin ang sinasabi ko. Pero kung gugustuhin niyo, magiging madali ang lahat. Posible pang magkasundo ang dalawang angkan. Ikaw, princess, bakit hindi mo subukang makipagkaibigan kay Mark?"

Natigilan siya. It is a suggestion or command?

"Ayoko sanang marinig sa inyo na hindi niyo kayang gawin ito. Masarap mabuhay nang walang kinikimkim na poot sa dibdib. Hindi naman tayo pwedeng mag-iwasan na lang habambuhay. Pinag-uusapan ng maraming tao dito sa Monte Carlo ang tungkol sa hidwaan ng mga pamilya natin. Ikaw, princess, ang magsimula. Tanggapin mo ang pakikipagkaibigan ni Mark. Nakikiusap ako. Hindi bilang Tito Andie mo, kundi bilang pangalawang ama mo.

Kapwa sila natahimik ng kuya niya.

Pagkatapos silang kausapin ng Tito Andie niya ay hindi niya ineexpect na magkikita silang muli ni Mark sa bahay ng mga Bautista. May party silang pinuntahan at ang birthday party ni Lizelle, ang close friend niyang naninirahan sa States.

Taga-Monte Carlo din si Lizelle. Magkababata at magkaklase sila mula kindergarten hanggang elementary school. Pagkatapos ng grade six ay nag-migrate na nga sila ng pamilya niya sa America.

Hindi niya alam na inimbita rin pala nito si Mark at ang banda ng lalaki. Bago pa siya makaiwas ay nakalapit na si Mark sa mesang kinaroroonan niya.

"Can I join you, Lorein?

Napa-ismid siya. "Mapipigilan ba kita kung saan mo gustong maupo."

"I'm sorry about last time. Nabigla lang din ako. Siguro, dahil nasaktan ako sa mga pang-iinsulto mo sa pamilya ko. I know that I should have not done that dahil lalo ka lang nagalit sa akin."

"Mabuti at alam mo."

"Pareho tayong laki sa Monte Carlo. Hindi naman siguro magandang mag-iwasan na lang tayo. Ayaw mo bang magkasundo na ang mga pamilya natin?"

"Masaya naman kami kahit hindi pa magkasundo ang mga pamilya natin, ah."

"But, you don't look happy. At mahirap maging masaya ang taong parating galit."

"Excuse me, alam mo hindi naman ako ganito talaga. But you bring out the devil in me."

Ngumisi si Mark. "Pero hindi naman galit ang naging reaction mo nang halikan kita. You don't kiss someone you don't like, do you?"

Natigilan siya sa narinig. Ano ang nais nitong sabihin sa sinasabi niyang iyon? He liked me?

Nang may mga dumating pang bisita ay si Mark na mismo ang kaagad na nilapitan ng mga ito. Nagpasalamat naman siya dahil nalipat sa mga ito ang attention ng lalaki.

Halos dumugin ng mga babae si Mark at ito naman ay mukhang enjoy na enjoy sa attention na ibinibigay ng mga babae.

Naiinis siya. Dahil akala pa naman niya ay may gusto sa kaniya si Mark.

Mayamaya pa ay nag-perform na ang banda ni Mark. She must admit, talagang maganda at very powerful ang boses nito kagaya ng unang pagkakataong narinig niya ang boses nito sa bar.

"Ang galing-galing niya, ano?" kinikilig na sabi ng katabi niyang si Lizelle. "At alam mo bang wala siyang girlfriend ngayon? And for one year na, ha. Biruin mo iyon? Napakagwapo niya para mabakantehan ng girlfriend."

"Mukhang interesado ka sa kaniya, ah," sa halip ay sabi niya rito.

We're Meant To Be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon