Chapter five
Election period noon nang tinambangan ang Lolo niya na noon ay tumatakbong governor. Tatlong bala ng baril ang tumama sa katawan nito na siyang kinamatay nito agad. Sa harap pa niya mismo ito nawalan ng hininga. Masuwerte na lang siyang hindi man lamang nadaplisan pero naging traumatic sa kaniya ang pangyayaring ito.
Muntik na ring mamatay ang daddy niya dahil sa pulitika. Nang mga panahong iyon ay tumatakbo naman sa pagka mayor ito. May nag-iwan ng bomba sa lugar kung saan nagaganap ang isang campaign rally nito. Mabuti na lamang at may nakakita dito bago pa ito sumabog. Lahat ng nakuhang ebidensiya ay nagtuturo sa mga Montenegro, unang-una na ang lumabas na witness na nagsasabi kung sino ang nag-iwan ng bomba sa lugar na iyon. Lumalabas na tauhan daw ito ng mga Montenegro.
Kinalakihan na ng mga taga-Monte Carlo ang kwento sa ugat ng away ng dalawang angkan. Nagsimula raw iyon sa pagiging magkaribal sa iisang babae ng Lolo Manuel niya, ang kaniyang great-grandfather, at ang Lolo Jordan ni Mark na isang American. Pinag-awayan ng dalawa ang pinakamagandang dalaga noon sa Monte Carlo na si Amanda Victoria.
Nauna raw na naging nobya ni Jordan Montenegro si Amanda pero nagkaroon sila ng matinding away at nakipaghiwalay ito kay Jordan. Pagkalipas ng ilang buwan ay naging nobya naman ito ng Lolo Manuel niya. Hinamon ni Jordan ang Lolo Manuel niya. Nag-away ang dalawa. Gamit ang isang espada, at muntik nang mapatay ni Jordan ang Lolo Manuel niya. Mabuti na lamang at nakatakas ito.
Magmula noon ay itinuring nang mortal na kaaway ni Jordan ang Lolo Manuel niya. Lalo na nang ikasal ang Lolo niya at si Amanda.
Upang makalimot daw si Jordan Montenegro siya ay nagpakasal din sa isa pang pilipinong babae na nabibilang sa pamilyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa Monte Carlo.
Ang away raw ng dalawang ito ay nauwi sa kamkaman ng lupa. Naging tagapamahala si Jordan ng mga lupain at malalawak na hacienda ng biyenan nito at siya na ang naging pinakamakapangyarihang tao sa Monte Carlo. Ginamit nito ang pagkakataon na iyon upang kamkamin ang ibang lupain ng Lolo Manuel niya.
Sinakop din daw ng matatandang Montenegro ang malaking bahagi ng lupa ng angkan ng mga Fuentes na nasa ibang bahagi ng Monte Carlo.
Ang kamkaman ng lupa ay nauwi na sa isang paghihiganti. Ang Lolo Miguel niya, kapatid ng Lolo Manuel niya, ay napatay ng katiwala ni Jordan Montenegro nang gabing sumugod ito sa hacienda na pag-aari ng biyenan nito. At ayon sa mga nakatatanda sa pamilya niya, si Jordan mismo ang nagbigay ng utos sa katiwala na barilin nang maraming beses ang kaniyang Lolo Miguel.
Mas lalo lamang nito pinalalim ang hidwaan ng dalawang angkan. Para bang hindi pa ipinapanganak ang isang Fuentes ay kaaway na agad ito ng mga Montenegro.
Isa pa ay naglaban sa pagkagobyerno ang bunsong kapatid ng Lolo Manuel niya at ang kapatid nang asawa ni Jordan Montenegro. Nagsiraan ang magkaibang panig at nagkabuwisan ng buhay.
May namatay sa kampo ng mga Montenegro nang tambangan ang sinasakyan ng mga ito. Sa mga Fuentes nila ito ibinintang ngunit wala namang tumestigo. Pero hindi pa rin doon natapos ang alitan dahil halos silang dalawang pamilya lang naman ang naglalaban sa pulitika at sila-sila lang din ang nagpapalitan sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan nila.
Sa ngayon, hindi pa nila nakikita ang posibilidad na magkasundo ang dalawang angkan. Kung kailan at kung paano mangyayari iyon ay hindi niya alam.
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Rein ng makita niya ang Tito Andie niya.
"Lalo yatang gumaganda ang prinsesa ko," sabi ng Tito Andie niya at bahagyang lumayo mula sa pagkakayakap sa kaniya at saka siya sandaling pinagmasdan.
"Coming from you po, alam kong hindi bola iyan," nakangiting sagot niya.
Pagkatapos ng masayang kwentuhan at masayang salo-salo sa hapag kainan ng kanilang pamilya ay ipinatipon ng Tito Andie niya ang lahat ng miyembro ng pamilya sa living room nila sa ikalawang palapag ng bahay.
Bukod sa kanilang apat ng kuya at tita Elaine at ng asawa nito ay naroon din ang ilan pang kapatid ng lolo nila, ang anak ng mga ito na pinsan ng daddy niya, at maging ang mga pinsan nila ng kuya niya.
"Hinihikayat niyo palang tumakbo sa susunod na eleksiyon si Philip," pasimula ng Tito Andie niya.
"Oo," sagot ng Lolo Theo niya, ang bunsong kapatid ng Lolo Ramon niya at ito ang kasalukuyang congressman sa distrito nila. Huling termino na nito iyon. "Kaysa naman isang Montenegro ang pumalit sa puwesto ko. I heard balak ding tumakbo ng congressman si Sarah Montenegro-Pascual. "
"At si kuya Manny, tatakbo naman palang governor," sabi ni Tito Andie. Hindi ito nagtatanong. Parang humihingi lamang ito ng kumpirmasyon base sa tono nito.
"Yes, that's right. Iiwan ko na ang pagkamayor ng Alicia para makatakbo ako sa mas mataas na posisyon. Babawiin ko ang dating posisyon ni Tito Ramon. Hindi ko bibigyan ng pagkakataong maupo ang isang Montenegro o ang isang kapanalig nila."
"So, ang maglalaban na naman pala sa darating na eleksiyon ay ang mga Fuentes at Montenegro," sabi ni Tito Andie.
"Ganun na nga, Tito," sagot ng Kuya Lester niya.
"Maliban sa political dynasty na gusto nating mangyari, nag-aalala rin ako sa maaari na namang mangyari sa paparating na eleksiyon. Baka saan na naman umabot ito at mauwi sa siraan at ang pinakamalala ay baka may magbuwis na naman ng buhay."
"Iho, kaya kami tumatakbo ay dahil hindi umuusad ang lalawigan natin kapag Montenegro ang nakaupo. Hindi nila napabuti ang peace and order dito. Mali rin ang polisiya ni governor Montenegro na gawin itong industrial province mula sa pagiging agricultural. Maraming farmers ang mga mawawalan ng kabuhayan," sabi ng Lolo Theo niya.
"At ang graft and corruption, mas lumala. Ang pondo ng mga pataba ng lupa at ng farmers' assistance emergency fund, naubos sa ilalim ng pamamahala ni governor Montenegro."
"Alam ko namang gusto niyo lang maglingkod sa mga kababayan natin. Pero hindi lang ang dalawang angkan ang mamamayan ng Monte Carlo. Marami pang iba na deserving at nais ding maglingkod nang tapat. Bakit hindi na lang natin sila bigyan ng pagkakataon?"
Nagkatinginan ang mga nakatatandang Fuentes. Maging si Rein ay medyo naiintriga na sa gustong ipahiwatig ng Tito Andie niya.
"What are you implying, kuya Andie?" tanong ng Tito Roy niya. "Huwag nang tumakbo ang mga Fuentes?"
"Hindi ba pupwede iyon?" tanong din ng Tito Andie niya. "Ilang dekada na rin simula nang makilala sa pulitika ang mga Fuentes. Nakapaglingkod na ang papa. Ikaw, kuya Manny, nakapaglingkod ka na rin bilang mayor. Sina Tito Arnold at Samuel nakapaglingkod na rin. Wala nang dapat pang patunayan ang mga Fuentes. Mas makakapamuhay siguro tayo nang tahimik at mababawasan ang mga kagalit natin kung ipauubaya na lang natin sa iba ang pulitika."
"Pero, kuya," agad na protesta ng Tita Elaine niya. "Kung hindi na tatakbo ang sinuman sa mga Fuentes lalo lang magmamataas at magsasamantala ang mga Montenegro m"
"Ngunit, hindi matatapos ang hidwaan ng dalawang angkan kung patuloy na lamang tayong naglalaban sa pulitika."
"Hindi tayo ang nagsisimula ng gulo, Andie," sabi ng Tito Ivan niya.
"Pero pinapatulan natin ang bawat hamon nila. Kaya ang nangyayari ay walang katapusang away. Hindi ba kayo napapagod?" sabi ni tito Andie niya, saka sila tiningnan isa-isa. "Tapusin na natin ang pakikipagaway sa mga Montenegro. Mas masarap ang walang kaaway."
BINABASA MO ANG
We're Meant To Be (On-going)
Romance"Do you think you did not teach me to love you? No, you did that easily."