Chapter Four

39 28 0
                                    

Chapter four

"WOAH, THREE POINTS YON, DUDE, AH!" amaze na sabi ni Jake, barkada at dating ka-team ni Mark sa basketball noong highschool pa sila. Nasa loob sila ng kanilang university gym na siyang paborito nilang puntahan nang nakaraang taon. Umupo siya sa mga bench doon.

"Sayang, ano? Kung hindi ka lang nagkaroon ng problema diyan sa tito mo, siguro ay nasa PBA ka na ngayon," sabi nito. "Baka naman it's a sign na mas bagay ka talaga sa pulitika?"

"Nah," umiiling-iling na sabi niya. "I don't really have a heart for politics and I believe I can still serve the people of Monte Carlo even if I don't enter into politics. For now, may mga bagay na pinapagawa sa akin si Lolo. Gusto niya na magkasundo na ang mga Montenegro at ang mga Fuentes."

"Finally, huh, so, you're really doing something to patch up your differences."

"You know, muntik nang ikamatay ni Lolo yung huling atake niya sa puso. Nang maka-recover siya, iyon na ang bukang-bibig niya—ang pagkakasundo ng dalawang angkan. At binigyan niya ako ng mission at iyun ay ang magpasimula ng pagkakasundo ng dalawang pamilya. Gusto niyang makipaglapit at kaibiganin ko ang isa sa mga Fuentes na nasa pang-limang generation."

"Si Lorein."

"Maganda naman ba?"

"The Fuentes are good-looking people. Pero she's more beautiful among them."

"Ohhh, that's why your Lolo make you as a peacemaker, because you say good things to your enemies."

"You know me, dude. Ayoko ng may kaaway. Kung may kasalanan man talaga siguro ang mga Fuentes sa pamilya o sa angkan namin, pwede kong kalimutan iyon kung mapag-uusapan iyon nang maayos. But, the problem is this Lorein Fuentes. Alam kong na-brainwash lang siya ng mga nakatatanda sa kanila kaya ganun na lang siya kagalit sa akin at sa buong pamilya ko."

"Sabi mo, maganda siya, hindi ba?"

"She's stunning, dude. There's really something in her that easily grabs attention." Aaminin niya nang una pa lamang niya itong makita si Rein sa Bar ay talaga namang nabighani na agad siya rito. Her big sky blue eyes and pouting lips made her more appealing. At hindi niya maiwasang maalala kung gaano kalambot ang mga labi nito ng nahagkan niya na.

"She's the kind of girl that every man would be proud to claim as a girlfriend. Mala-Angelina Jolie ang dating."

"Iyon naman pala, eh, di ligawan mo," kumbinsi nito sa kaniya.

Natawa siya. "Si Lorein, liligawan ko?"

Nakatanggap si Rein ng tawag mula sa Tito Andie niya kinaumagahan.

"I'm sorry princess, I was not able to greet you in your birthday," sabi nito. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ato habang kausap siya. Napangiti na rin siya dito nang marinig niya ang gamit nitong term of endearment para sa kaniya. Princess. Baby pa siya ay iyon na ang tawag nito sa kaniya. "Naging very busy kasi ang Tito. Ngayon nga, at may lunch meeting kami ni Governor.

Napatayo siya sa kaniyang kanauupuan na coach. "Governor. Mag-uusap kayo ni Governor Montenegro?"

"Oo. Sinadya ko talaga siya para makipag-usap sa kaniya at iniimbita niya ako sa bahay niya bukas ng hapon. Bakit princess, what's wrong with that?"

"Pero, Tito, parang nakalimutan niya na yatang kaaway natin ang mga Montenegro."

"Stop... Don't say that, princess," malumanay na sabi ng tito niya. "Di ba't ang tungkulin ko ay ang maging mabuting ehemplo sa inyo ng kuya mo. Hindi para mag-ipon ng kaaway."

Alam naman niya ang tungkulin nito bilang pangalawang ama nila. Pero tila nakalimutan na nito ang mga kasalanan ng mga Montenegro sa pamilya nila? Bigla tuloy niya naisipang isumbong si Mark sa Tito Andie niya. "Tito, alam niyo bang nag gate-crash yang Mark Montenegro na yan sa party ko?"

"Parang familiar sakin ang batang iyan. Tama. Parang naging sakristan siya sa ating lugar noong bata pa siya. Baka naman nais niya lang makipagkaibigan?"

"Makipagkaibigan, no way!" Napalakas ang boses niya.

"Princess, it's good to turn your enemies into friends. Remember that saying, "kapag binato ka ng bato ng iyong kaaway—"

"Batuhin mo siya ng Granada," bulong niya sa sarili.

"Kung aalisin mo ang negatibong damdamin diyan sa puso mo, magagawa mo nang mahalin kahit ang kaaway mo. I'm sure gwapo rin siya just like a typical Montenegro."

Gwapo ba iyong pandak, malaking ilong, hindi pantay ang mga mata, sakang, at mabaho? Ang baduy pa kayang manamit."

Tumawa ang Tito niya. "Don't say bad words even to your worst enemy."

Napahiya na naman siya.

"Kailan ba kayo uuwi rito? Gustong-gusto na kitang mayakap, princess."

"I think, this weekend po. Darating kaming lahat diyan. At magkikita na rin po tayo, finally."

Pagkatapos nilang mag-usap ng Tito Andie niya ay naalala niya ang halik ni Mark. She must admit, Mark's presence was too disturbing. His charm was very difficult to ignore. His good looks and sex appeal were not that easy to forget.

Sabagay, magaganda at gwapo talaga naman ang mga Montenegro dahil sa pinaghalong American at Mexican blood ng mga ito. Matangos ang mga ilong, deep-set ang mga mata, at maputi at mamula-mula ang mga balat ng mga ito. Taglay ni Mark ang lahat ng magagandang physical features na iyon. Pero sa likod ng kagandahang taglay na iyon ay mayayabang at mga makasariling tao ang nakikita niya.

Dinama niya ang mga labing hinalikan ni Mark. Naalala niya ang kakaibang hatid ng halik nito. Ang asungot na iyon, naisahan ako. Siguro, ipinagyayabang na niya iyon sa mga Montenegro at pinagtatawanan na nila ako.

Pagsapit nga ng weekend ay umuwi si Rein sa Monte Carlo kasama ang buong pamilya ng Tita Elaine niya. Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman niya ngayon sa pagbabakasyon nilang iyon sa lalawigang pinagmulan ng kanilang angkan. Takot, dahil muli na namang nagbalik sa kaniya ang pagkamay ng kaniyang lolo at excitement dahil finally makikita niya na ang Tito Andie niya.

"Naiintriga na talaga ako sa sinabi ni kuya Andie. May importante raw na pag-uusapan ang buong pamilya," sabi ng tita Elaine niya habang nasa byahe sila.

"Tungkol daw saan, Tita?" pagtatanong niya.

"Sasabihin na lang daw ni kuya kapag nandoon na tayong lahat."

"Natapos na pala ang ipinatatayong mall dito," Sabi naman ng Tito Roy, asawa ng Tita Elaine niya, habang nakatingin sa labas ng bintana na sinasakyan nila.

"Yes. Sa mga Montenegro daw ang mga iyan," sabi ng tita niya.

"If I know, baka galing sa kaban ng bayan ang ipinampatayo nila riyan," pahabol na sabi ng Tita Elaine niya.

Binabaybay na nila ang kahabaan ng national road na patungo sa Monte Carlo. Mahigit pitong oras by land ang byahe at hindi na siya sanay na magbyahe nang ganun kahaba kaya bibihira na siyang umuwi sa Monte Carlo lately, at bukod sa naging sobrang traumatic sa kanya ang huli niyang pag-uwi roon.

We're Meant To Be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon