Chapter Three

45 34 0
                                    

Chapter three

Bago umuwi sa Monte Carlo si Rein ay cinelebrate niya muna ang kayang ika-21st birthday kasama ang mga kaibigan at ilan sa mga kaklase niya sa isang overnight swimming party sa isang resort sa Aurora Province.

"Hey, bakit wala pa si Joy?" nagtatakang tanong niya. Mag-aalas-dyes na kasi ng gabi at wala pa rin ito. Saktong 7 o'clock pa nagsimula ang party niya.

"Speaking of the devil," sabi ni Aubrey.

Nakita niyang may kasamang tatlong lalaki si Joy nang dumating. Natigil at napatayo siya sa kaniyang kinauupuan nang nakilala niya ang isa sa mga kasama nito.

"Hey, guys! Look who's here," sabi ni Joy habang papalapit sa kanila.

Si Mark! Anong ginagawa nito sa party niya? "Bakit mo sila isinama?" pasitang bulong niya kay Joy.

Pero bago niya pa marinig ang paliwanag nito ay nakalapit na rin si Mark sa kanya. "Happy birthday," bati nito sa kanya na sinundan ng mga kasama nito sa banda. "Sorry, we're late. Nasiraan kami sa daan kanina, eh."

Pinagtataka niya kung bakit kung umasta ito ay parang imbitado talaga ito sa party niya. "Sorry, but I don't remember inviting you here," mataray na sabi niya dito.

"Sorry for that, nabanggit lang sa akin ni Joy na you guys are celebrating your birthday here."

"Pero, hindi kita ipinaiimbita kay Joy."

"She didn't invite us. Desisyon ko lang ang pumunta para batiin ka. Here's something for you," sabi nito, sabay abot sa kaniya ng isang maliit na box na nakabalot ng red glossy wrapper.

Pero hindi niya kinuha iyon. "No thanks, I don't accept present from an enemy."

"Come on, Rein. Hindi ba pupwedeng maging magkaibigan tayo? Wala naman tayong personal na away. Magulo na ang mundo. Huwag naman na tayong dumagdag pa."

Gustong maningkit ng mga Mata niya. I'm a Fuentes ang you're a Montenegro and that's made us enemies. Maraming kasalanan ang pamilya niyo sa amin."

"Kasalanan? It's because wala lang kayong alam na pagbintangan sa lahat ng nangyayaring hindi maganda sa pamilya niyo kundi ang pamilya ko? O baka naman ang pamilya niyo ang may atraso sa pamilya namin? But don't worry, kaya kong kalimutan iyon."

Lalo lang siyang nagalit sa sinabi nito. "Anong sinabi mo? Really, kami pa talaga ngayon ang lumalabas na may atraso sa inyo? Sinong pamilya ba ang mandaraya? Kapamilya niyo ang nanunungkulan malamang kayo ang may access na mandaya at hindi ako basta nambibintang lang. At kung may ginagawa man kami laban sa inyo, gumaganti lang kami. Dahil hindi papayag ang mga Fuentes na tapak-tapakan niyo.

"At sino naman kaya sa pamilya niyo ang nang-brainwash sa iyo at ganiyan na lang ang galit mo sa akin? Eh, puro lang naman accusations ang pamilya mo laban sa pamilya ko. Wala naman kayong maipakitang ebidensiya sa lahat ng ibinibintang niyo sa amin. It would not be our fault if the people of Monte Carlo prefer my family to lead our town. Hindi kaya tumatakbo lang ang pamilya niyo sa eleksiyon para lang patunayan sa sarili niyo na mas magaling kayo kaysa sa amin? But it's ok, let's not talk about it."

"How dare you! Hindi kami basta-basta nambibintang lang. Paano kaya kami makakakuha ng mga ebidensiya kung ang galing niyong manunog ng mga ito at pati ang mga taong pwedeng mag-witness laban sa inyo ay binabayaran niyo rin?"

"Grabe ang bibigat pala ng mga bintang niyo laban sa pamilya ko," sabi nito. "But like what I've said, let's not talk about it. Huwag natin sirain ang birthday party mo."

"Yeah right! Sino kaya ang nag gate-crash at sumira sa party ko?"

"Ok. I came here to greet you, Rein. Don't you think it's time for us that we stop this fight between our clan?"

We're Meant To Be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon