Chapter eight
"Sinabi ko na kasi sa inyong iwasan niyo ang mga Montenegro habang kaya niyo silang iwasan," sermon ng Tita Elaine nila.
"Iniiwasan naman namin sila, Tita," sagot ng kuya niya.
"Pero parang nananadya sila."
"Mukhang nananadya lang sila. Imagine, sa dami ng babaeng pwedeng ligawan ng Clyde na iyon ay si ate Kate pa," sabi niya.
"Huwag na tayong magreklamo dahil baka lumaki lang ng gulo at ikatutuwa iyon ng mga Montenegro. Manahimik na lang tayo at umiwas sa kanila."
Makalipas ang dalawang araw at ginulat sina Rein at Tita Elaine niya ng isang masamang balita mula sa Tito Roy niya. Naghahapunan sila nang tumawag ito. Nahuli daw sa isang checkpoint ang kuya Lester niya at may nakitang ilang gramo ng shabu sa kotse nito.
"Where is he now?" nanginginig na tanong ni Tita Elaine.
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na baso. Nagkagulo na silang lahat.
"Paanong nangyari iyon? Ni Hindi nga naninigarilyo si Lester"
"Malakas ang kutob kong frame-up lang ito," sabi niya.
"Galit na galit si Clyde kay kuya. Saka di ba, nag-away sila nong isang gabi sa restaurant?"
"Malamang nga," pagsang-ayon ng Tito Ivan niya.
"At barkada ni Clyde ang anak ni Major Salazar."
Sama-sama sina Rein at Tita Elaine niya na pumunta sa presinto. At kahit ipinagdiinan ng kuya Lester niya na wala itong kinalaman sa mga gramo-gramong shabu na nakita sa compartment ng kotse nito ay ikinulong pa rin ito.
"Frame-up lang ito, Tito Roy, Tita Elaine. Hindi sa akin ang mga iyon. At hindi ko alam kung paanong napunta sa sasakyan ko ang mga iyon. Planted ang mga yon."
"Saan ka ba huling nagpunta? Saan mo ipinark ang kotse mo?"
"Galing kami ni Kate sa mall. Pagkagaling namin ng mall ay inihatid ko siya. Nag stay ako sa bahay nila nang nga one hour. Nakapark lang sa labas ng gate nila ang sasakyan ko."
"Malamang na doon tumiyempo ang nagtanim ng mga droga sa kotse mo," sabi ng Tito Roy nila.
"Malamang na pakana ito ni Clyde dahil sa naging away namin nong isang gabi,"
"Hayan na naman kayo. Nambintang na naman kayo," sabi naman ni Tito Andie. Agad na sumunod ito sa presinto pagkatapos itong tawagan.
"Pero kuya, paano mapupunta ang mga droga sa loob ng kotse ni Richard kung walang naglagay ng mga iyon doon?" tanong ni Tita Elaine.
"Hayaan niyo munang matapos ang imbestigasyon bago kayo gumawa ng konklusyon. Ang dapat nating gawin ngayon ay pakilusin ang attorney natin."
Lungkot na lungkot si Rein nang hindi nila maiuwi ang kuya Lester niya nang araw na iyon. Nadagdagan na naman ang galit niya sa mga Montenegro.
Galit na galit si Rein nang hanapin niya si Mark.
Pinakiusapan niya si Liezel para makapag-usap sila ng lalaki sa bahay ng kaibigan niya.
"This is indeed a big surprise to me. Bigla mo ba akong na miss?" ngising tanong sa kaniya ni Mark.
"Hindi ako nagpunta at nakipagkita sa iyo para makipagpa-cute-tan sayo. I came here, to tell you how disgusted I am with your family! Bakit ba wala na kayong ginulo at pinerhuwisyo kundi kami huh? See what's your cousin did to my brother!"
"Uy! Teka, teka," sabi ni Mark na sinabayan niya pa ng pagtaas ng mga kamay. "Calm down."
"Ang sasama n'yo! Just tell to your cousin, the truth will be prevail. Lalabas at lalabas din ang totoo na siya ang may pakana ng paglalagay ng drugs sa kotse ni kuya!"
"There you are again. Pinagbibintangan mo na naman kami. First of all, wala akong alam diyan sa mga pinagsasabi mo. At walang mangyayari kung aawayin mo ako. I will see what I can do."
"Excuse me! I'm not asking for your help. Sabihin mo lang diyan sa walanghiyang pinsan mo, magsabi na siya ng totoo at amining siya ang may pakana ng mga itinanim na droga sa kotse ng kuya ko para malinis na ang pangalan ni kuya at makalabas na siya ng kulungan. Hindi dapat makulong ang kuya ko. He's innocent!" sabi niya at mabilis na tumayo at lumabas ng bahay ng kaibigan niya."
Nasasaktan si Mark sa mga sinasabi ni Rein laban sa pamilya niya. Pero mas lalo siyang nasasaktan dahil alam niyang mas galit ito sa kaniya. Habang siya ay gusto niyang mapalapit dito ay para namang lalo itong lumalayo sa kaniya .
"Mark, MARRY Lorein Fuentes."
Muntik nang maibuga ni Mark ang kinakain niyang pagkain pagkarinig sa sinabi ng Lolo Philip niya. Ito ang kasalukuyang gobernador sa Monte Carlo. Inimbita siya nitong sumabay rito sa isang hapunan.
"Ho? You can't be serious, Lolo," hindi makapaniwalang sabi niya rito.
"Paano kung sabihin kong seryoso ako?"
"Pero Lolo, that woman hates me."
"Then take it as a challenge. Don't tell me na susuko ka nang dahil lang sa isang babae? Tame her, apo. I know you can do it."
Kungsabagay, sa kaloob-looban ng damdamin niya ay naroon ang pagnanais niyang mapaamo si Lorein Fuentes. At magagawa lamang niya iyon kapag nabura na niya sa puso nito ang kinikimkim nitong galit sa kanilang mga Montenegro.
"Hindi kita inuutusan, Mark. Isa itong pakiusap mula sa akin. Hindi ko masisigurong naging matagumpay akong gobernador ng ating lalawigan kung hindi ko mapagtatagumpayang mapagbati ang ating pamilya at ang mga Fuentes."
Pansamantalang nag-concentrate si Mark sa kaniyang kinakain. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay tungkol sa ipinakikiusap ng kaniyang Lolo.
"Pinag-isipan kong mabuti ang desisyong ito bago kita kinausap. Lorein Fuentes is a very beautiful and smart lady. Siya ang klase ng babaeng gugustuhin ng sinumang binata na iuwi sa kaniyang mga magulang. Malay natin, magkagustuhan kayo."
"But,Lolo how can it be? Lalo siyang nagalit dahil sa nangyari sa kuya niya. Paano niyo siya paliligawan sa akin?"
"No need, hijo. Hindi ko na siya paliligawan sa iyo. May naiisip na akong paraan para mas madali natin siyang mapapapayag na magpakasal sa iyo."
"H-ho?"
"Just leave it to me, Mark. Ang gusto ko lang marinig sa iyo ngayon at kung ibibigay mo sa akin ang buong cooperation mo."
Muli siyang tumigil sa pagsubo habang nakatingin sa Lolo niya.
"How can I say 'no' to the best Lolo in the world?" sabi niya rito.
Isang yakap ang iginawad nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
We're Meant To Be (On-going)
Romance"Do you think you did not teach me to love you? No, you did that easily."