First move
Ariane's POV
"Bakit ang tagal nyo, ha?! Saan kayo nanggaling mga babaita!?"
Kanina pa 'yang si Hillary na nanenermon sa'min. Ang malas lang at lunch break namin ngayon kaya ayan. Sermon sya ng sermon pero wala sa kanya ang paningin namin.
Magkatinginan kami ng masama ni Bella ngayon. Paano kanina muntik na kaming ma late sa klase. Buti na lang at fresh pa kami kanina pagka panik.
4th floor ba naman.
"Ano!? Walang sasagot!?"
Pareho pa kami ni Bella na muntik ng mabuga ang kinakain dahil sa biglaang pagsigaw nya.
"Hillary, relax. Puso mo baka malaglag walang sasapo!" Mahinahong sabi ni Aira.
Ito kanina pa rin ito, hindi namin mapunto kung pinapakalma ba si Hillary o inaasar lalo eh.
"Trip nyo kong tatlo!?" Inis na tanong ni Hillary.
Well, we're here at their office. Dito pinili ni Hillary na magbigay ng sermon session sa amin. Napaka maalalahanin talaga.
Sabay sabay kaming umiling na tatlo. Nakatayo sya sa harap namin habang naka pameywang at salubong na salubong ang kilay.
"Saan nga sabi kayo galing!? Muntikan pa kayong mahuli sa unang klase nyo!" Bumaling sya kay Bella. "At kahit kailan hindi ka nahuli sa klase."
Tinignan ako ni Bella pero umiwas agad ako ng tingin. Bahala sya, idadamay na naman niya ako.
"U-uhm... a-ano kase may sinabi si Kuya sa amin kanina kaya n-nahuli ako." Palusot nya.
Knowing Hillary.
"E'di dapat galit ka? At kahit kailan hindi hinayaan ni Kuya Rix na mahuli ka rin sa klase - kayong dalawa ni Justine." Puna ni Hillary.
Sabi na eh, walang lusot 'to.
"Eh! Hindi ka pa kaya kumakain. Tapos na kami oh, tapos ikaw nakatayo pa r'yan, sermon ng sermon." Puna naman ni Bella.
"Yeah, Bella's right. Kumain ka muna tsaka mo ituloy sermon mo sa kanila." Sabi naman ni Aira.
"Sa inyong tatlo." Pagtatama ni Hillary.
Nanlaki naman ang mata ni Aira.
"Bakit damay ako?"
"At nagtanong ka pa talaga." Sabay na sabi namin ni Hillary.
Si Bella naman nasa isang sulok at humahagikgik. Palibahasa nalipat na kay Aira ang atensyon ni Hillary eh.
"Don't giggle, Bellatrixe. Hindi pa 'ko tapos sa'yo." Puna ni Hillary at nagsimulang kumain.
Tinignan ko naman ng may pagyayabang si Bella ng makita kong naka simangot sya.
Umirap lang sya sa'kin tapos ay tumabi kay Aira na wala sa sarili.
Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas 'yon at iniluwa si Nick.
"Is the sermon session is done?"
YOU ARE READING
The Last Princess
Teen Fiction- "I just do the right thing.... mahirap na't baka madamay pa sila."