Chapter 8

36 1 0
                                    























































Apology

Bella's  POV

Natapos ang klase ng mapayapa. Naipasa na rin namin ang mga kailangang ipasa.

Naglalakad ako ngayon papunta sa parking lot. Tumakas ako sa tatlo, dahil alam kong hindi pa tapos ang sermon session ni Hillary.

Wala akong balak na makinig sa kaniya ngayon. Mas importante ang pag-uusapan namin ni Justine. Nag text siya sa'kin kanina na nasa parking lot na raw siya.

Nang makarating ako sa parking lot ay agad kong inilibot ang paningin ko. Napukaw ang tingin ko sa isang lalaking nakasandal sa pader at may hawak na sigarilyo.

Nagsisigarilyo siya?

Umiling ako at tinignan ang sasakyang papalapit sa'kin. Huminto siya sa harapan ko. Ibinaba niya ang bintana at napatango naman ako ng makita ko ang kapatid ko.

Narinig ko ang pag-unlock niya sa sasakyan kaya naman sumakay na agad ako.

Tinanggal ko ang bag ko tapos hinagis ito sa back seat, tsaka ko sinuot ang seatbelt.

"Makahagis ah." Parinig nung isa.

"Tss. Tinawagan ka ni Kuya?" Tanong ko ng matapos ako sa ginagawa ko.

Nag-umpisa na siyang mag drive. Napalingon ako sa kaniya at napataas ang kilay ko ng makita kong naka school uniform pa rin siya.

Ito maparaan talaga 'to eh.

"Nope, why?" Sagot niya.

Umiwas na lang ako ng tingin at tinignan ang mga nadaraanan namin sa labas ng bintana.

"Hindi siya uuwi, pero maaga siyang pupunta sa bahay bukas. And we need to talk, Charlie." Sagot ko at diniinan ko ang 'Charlie.'

"Charlie Dales." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Is that the name that you're using?" Kunot noong tanong ko.

Tumango siya habang nakatingin sa daan.

"The heck is that, Justine!" Inis na sabi ko.

Napailing na lang ako sa kapatid kong 'to. When Kuya find this thing out, we're definitely, dead.

Oo, we, lintek damay na naman ako dito. Mamaya ko na siya kakausapin tungkol sa Charlie Dales na 'yan.

Nakatingin lang ako sa kalangitan ng unti unti itong nagiging purple. Oo, purple ang ganda.

Agad kong kinuha ang phone ko at kinuhaan ito ng litrato. Maganda naman ang mga shots na nakuha ko.

Napatingin ulit ako sa labas ng bintana ng maalala ko yung sinabi ni President kanina.

"Last year lang umuwi si Madam."

What does it mean? Last year? Ibig sabihin kahit na siya ang tiga pamahala ng paaralan na 'yon ay wala siya sa opisina niya sa nagdaang dalawang taon.

Weird.

Hinarap ko ulit ang kapatid kong naka focus sa pagd-drive.

"Who is the owner of Fralcon International High School?" Tanong ko sa kaniya.

The Last PrincessWhere stories live. Discover now