Confrontation
Bella's POV
Natapos naming kainin ang cookies ng mabilis. Halos iyon na lang din ang kinain namin para sa lunch break. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang letter ni Rhed.
I didn't expect an apology letter to him. Wala lang din naman sa akin ang sinabi niya o kahit napagtaasan niya ko ng boses. Alam ko naman na mali ako kaya tinanggap ko ang mga sinabi niya.
Sabay-sabay kaming umalis sa cafeteria at panay naman sila tanong kung bakit ako binigyan ni Rhed ng cookies. Nagtira rin ako ng cookies para kila Pres binilin ko kay Aira na kung pwede idaan muna sa SC Office yung cookies para kila Pres.
"Nasa court daw sila Xy." Sabi ni Hillary.
Tumigil sa paglalakad si Aira at ganoon din kami.
"Hm, mauna na ba kami? o mas maganda yata na sumama kami sainyo." Suhestiyon niya.
Mabilis naman akong umiling.
"Huwag na at baka may mangyari pa. Tsaka mau-unang mag umpisa ang klase niyo sa klase namin." Pagpapaalala ko.
Nag-nod lang si Aira pero bakas sa mukha niya ang pangamba. Inakbayan siya ni Ariane.
"Huwag ka na mag-aalala sa dalawang 'yan. Alam mo naman na mainit ulo ni Hillary pagdating sa mga alipores ng Xylinne na 'yan."
Dahil sa sinabi ni Ariane ay muka namang napanatag na si Aira. God thank! Pinauna na namin sila at ng hindi na namin sila matanaw ay umalis na kami ni Hillary at tumungo sa court.
"Ano naman kaya ang ginagawa ng mga babaita'ng 'yon sa court ng tanghaling tapat." Wika ni Hillary.
"Baka nagpapalamig." Sagot ko.
"Umamin ka nga! Bakit ka binigyan ni Rhed ng cookies?" Usisa ni Hillary.
Hay... Alam kong hindi ito titigil lalo na si Aira sa kakatanong.
"Sasabihin ko sa inyo mamaya." Pagsuko ko.
Nakarating kami sa court at sila Xylinne lang ang tao doon. Nakaupo ang mga alipores niya sa bleacher. Malayo ng ilang hakbang si Xylinne sa mga alipores niya at mukang may kausap siya sa phone.
Lumapit kami sa mga alipores niya at kita ko ang pag-asim ng mukha nila. Dahil nakatalikod si Xylinne ay malamang hindi niya pa kami nararamdaman.
"Anong kailangan niyo?" Mataray na tanong nung babaeng makapal pa sa dictionary ang lipstick.
Infairness, bagay sa kaniya. Kaya lang nasobrahan..
"Kakausapin kayo." Palaban na sagot ni Hillary.
Tumayo si Ateng naka red lip stick. Sumunod naman sa kaniya yung isa na medyo pinkish ang labi. Taas noo namang tumayo ang huli na medyo brown yung color ng lips.
Ah basta lahat sila may lipstick. Hindi ko lang alam mga shades.
"About what?" Maarteng tanong ni Girl w/brown lipstick.
"What's happening here?" Biglang tanong ni Xylinne.
"Gusto lang namin kayong makausap... tungkol sa mga ginagawa niyo." Sabi ko.
Asar naman siyang ngumisi. "We have a freedom to do whatever we wanted."
"Yes, but you and your friends already reach the boundary." Singit ni Hillary.
YOU ARE READING
The Last Princess
Teen Fiction- "I just do the right thing.... mahirap na't baka madamay pa sila."