Chapter 6

16 1 0
                                    

Expect the typo's and wrong grammars





































Lotus Hirashi

Bella's POV

"Ano ba gagawin natin sa isang 'to?" Tanong ng lalaking mukhang gunggong sa ka-uri nya.

"Hintayin lang natin signal nya. Tapos 'yan." Sagot naman nun tsaka humithit sa sigarilyo.

Kanina pa sila nag-uusap ng kung ano ano hindi ko naman maintindihan. Nagising na lang ako kanina na nandito na sa abandonadong gusali na 'to.

Syempre ganun naman lagi kapag may nakikidnap. Wala na bang bago? Puro na lang sa pangit na lugar hide-out ng mga kidnapper.

Palibhasa pangit din sila.

Nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuang inuupuan ko. Bobo lang ng mga 'to at hindi nila ko nilagyan ng takip sa mata tsaka sa bibig.

Pero syempre hindi ko gagayahin yung mga nasa palabas na sisigaw at hihingi ng tulong.

Sasakit lang lalamunan ko dun.

Dahil wala akong takip sa mata kaya namumukhaan ko sila. Base sa suot nila, sila yung mga studyante ng HNS na nasa kabilang kanto lang.

"Hoy!? Gusto nyo bang mag-ditch sa class? Kung gusto nyo aba, 'wag nyo na 'kong idamay." Sabi ko.

Tinignan naman nila ko ng masama. Grabe, may itsura pa naman sila tsaka ang puputi. May lahi siguro sila. Kaya lang ang pangit ng ugali.

"Shut up, bitch." Sabi nung may hawak ng sigarilyo.

Aba, bitch pala ah. Gusto nyo makita ang side kong 'yon ah.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong mga nasa 10 sila. Ang konti naman.

Napadako ang tingin ko sa digital watch nung isang lalaki. Pinilig ko ang ulo ko para makita ko ng maayos.

7:40am

Nanlaki ang mata ko. Halaa, mala-late nakoo! Patay pako nito kay President.

"Hoy! Ikaw! Ano ba kailangan nyo sa'kin?!" Tanong ko sa lalaking may sigarilyo.

Sa kanya na ko nag tanong, bet ko yung hikaw nya, ang ganda. Saan nya kaya nabili 'yon?

"Wala naman, nakumpirma lang namin na ikaw nga ang kapatid ni Charlie."  Sabi nya tsaka ulit humithit sa sigarilyo.

"Hoy! Saan mo nabili sigarilyo mo? Bakit parang hindi nauubos 'yan, kanina ka pa hithit ng hithit ah." Sabi ko at narinig ko ang tawanan ng mga kasama nya.

"Pareho pala sila ng kapatid nya."

"Hindi pa nga nauubos. HAHAHAHAHAHA."

"Ginagago ka ng babae na 'to oh."

Komento nila. Tinignan naman ako ng masama nung lalaki.

"Tsaka hindi ko naman kilala yung Charlie na tinutukoy nyo! Tanga! Wala akong kapatid na Charlie pangalan!" Sigaw ko.

Napupuno na ko ah. Charlie amputek.

"HAHAHAHAHA! Tanga ka pala, pare!" Asar nung isa nyang kasamahan.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong kumakain sya ng gummy worm. Aga aga gummy worm.

The Last PrincessWhere stories live. Discover now