SP12#Hindi Itinadhana

11 2 0
                                    

"Hindi Itinadhana"
By:Darklovesen

Narito parin yung sakit ng kahapon
Nang ako'y iwan mo ng dapit hapon
Hindi parin mabura yung sugat
Parang isang masakit na kagat
Na oo wala ngang sugat nagiwan naman ng kirot
Nung nagpana si kupido kay likot

Kaya sa maling tao napunta

Na akala ko siya na ang nakatadhana
Ngunit sa ibang tao pala siya'y itinadhana
Tinadhana lang pala akong saktan
Upang maranasan kung paano masaktan
Siguro upang bigyan ng leksyon
Upang sa iba ay magkaroon ng koneksyon

Dumaan lang pala siya sakin upang magpahinga
Hindi para sa tabi ko ay mamahinga
Dumaan lang siya,Dumaan lang siya upang tumigil
Ngunit hindi para sakin siya'y titigil
Nagpahinga lang siya sandali
At pagkatapos umalis na ng madali

Siya yung taong di para sa akin
Ngunit napunta sakin
Siya yung tao di itindhana para kami ay magkasama
Sapagkat itinadhana na siyang may kasama

Hindi itinadhana ngunit kami ay pinagtagpo
Pinagtagpo para mahanap yung taong para samin ay nakalaan
Pinagtagpo ng mundong mapagbiro
Kaya hanggang ngayon hinihintay yung taong para sakin ay laan
Sa isang makipot na daan
Daan na kung saan puro tumatangis ang dumadaan

Bato-bato sa langit matamaan wag magalit
Tayo'y pinagtagpo kaya bakit magagalit
Pinagtagpo pero di tinadhana para habang buhay ay magsama
Ang mundo ay kay sama
Mahal na kita saka ka umalis
Di ko nga namalayan sa sobrang bilis
Hanggang sa umiiyak na lamang ng magdamag








Don't forger to vote and comment!!!






Ang Tulang Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon