"Pinaglaruan"
By:DarklovesenWala ka na bang alam na Laro kaya akoy Pinaglaruan,
Ginawang bagay na akala'y di nasasaktan
Siguro akoy naging Bulag sa pagmamahal
Inakalang ako'y tunay na mahal
Nasiyahan ka ba sa sarili mong laro
Puso ko'y nadurog,iyong pinana ng aro
Walang magawa kaya ako'y pinaglibangan,
Sa Kanto Kung saan ako'y iyong inabangan,
Mga binitawang salita Kay tamis
Kaya ngayon namimiss
Mga banat na tagos sa puso
Karamihan sa playboy ito ay uso
Ngunit Ikaw ay tuso
Ako'y Pinaglaruan ginawang aso
Sa larong ito ako nga'y talo
Sa aking pagbagsak walang sumalo
Relasyon natin nawala yung tayo
Kaya ngayo'y mga mata ay luhaan
Taong inakala sa akin ay laan
Ako'y Pinaglaruan,ginawang laruan
Masaya na ba kayo ngayon,sapagkat kami'y luhaan
Ang tiwala namin ay kinuha
Kaya sapagkasira nito'y tiwala'y winala
Sa pangloloko mo ako ay nadala
Iniwang tinik sa puso,Ikaw ay may sala
Mula ngayon wala ka ng halaga
Sa isip mo ito'y itaga
Minahal kita ng lubusan
Tinanggap ang kapintasan
Isinukli ay sakit
Pagkatao ko'y nilait
Saksi ang langit
Sa ugali mong Kay pangit
Sana ang mahal mo ngayon
Wag kang lokohin tulad ng ginawa mo sakin noon....Happy New Year🎆🎊🎉
Don't forget to vote and comment....Love lots♥♥♥
All Rights Reserved®
![](https://img.wattpad.com/cover/242892379-288-k860439.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Tulang Para Saiyo
PoetryNiloko,Sinaktan,Iniwan,Pinaasa o Umasa..Na friend zone at kaibigan lang ang Turing para to sainyo.... Dala-dalay panulat Para itong mapanakit na tula ay isulat Hindi man maalamat Ngunit sa inyo parin ay nagpapasalamat Sana'y inyong mabasa Wag nam...