SP04#Pinagpalit

17 6 0
                                    

"Pinagpalit"
By:Darklovesen

Mahal nasan ka na?
Nasan ka na nga ba?
Magpakita ka naman,
Wag mo naman akong taguan,
Paramdam ka naman,

Ang tanga ko lang,
Akala ko tayo palang,
Naglaho ka na lang bigla,
Lumitaw na may kasamang iba,
Ganon kana ba kababaw,
Para ipagpalit ako sa mukhang kalabaw,

Bigla  ka na Lang naglaho
Akala ko nga ika'y naging abo
Yun pala yung "tayo" yung naging malabo
Sa relasyon pala natin walang pako,
Kaya mga pinangako ay napako

Pinamumukha mo pa sakin,
Na ako'y maghahabol sa atin
Wag mo namang lahatin,
Wag mong baliktarin
Hindi ka kawalan Kahit kalkarin

Ang bilis ng pangyayari
Diko nga namalayang nangyari
Na sa puso mo may nagmamay ari,
Paalam na,dito na tatapusin ang  piyesang ito
Bibitawan na ang pangako,
Pangako kung saan napako
Paalam na
Paalam,sana magtagal kayo

All Rights Reserved®
P.s:Kindly don't forget to vote and comment...comment if nakarelate:<

Plagriasm is a crime©



Ang Tulang Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon