SP01#Tulang walang Pamagat

78 35 2
                                    

"Tulang walang Pamagat"
By:Darklovesen

Sa isang silid na puno ng kalungkutan
Nagkukubli ang isang taong tila'y kinalimutan,
Suot ay kahapis-hapis
Hawak-hawak ang kapirasong lapis
Tila'y Nagbabadya na naman ang luha
Kaya ang puting panyo ay Kinuha

Ilang araw,buwan o taon na ba ang lumipas?
Ngunit tila ang kalungkutan ay di na kukupas,
Sa kanyang mukhang puno ng kalungkutan at kapaitan,
Marahil sa mundong ito'y kasiyahan ay pinagkaitan,
Araw araw,gabi-gabi umiiyak sa isang tabi
Paghikbi pilit na ikinukubli ng labi

Ilang butil pa ba ng luha ang kanyang iluluha?
Kailan kaya siya titigil sa pagluha?

Mayroon pa bang ikasasakit,
Sa buhay na ito'y kanyang sinapit
Iniwan ng mahal sa buhay
Kaya nagkukulong sa bahay
Tulang walang Pamagat
Nag-iwan satin ng sugat



Next or delete?

Plagriasm is a crime©Please don't copy❌

Don't forget to comments and vote...love lots♥♥♥

All Rights Reserved®

Ang Tulang Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon