SP06#Mahal?

18 5 0
                                    


"Mahal"
By:Darklovesen

Mahal ako lang ba ang mahal mo?

Mahal ako lang ba ang laman ng iyong puso?

Mahal ako lang ba ang laging iniisip?

Mahal ako lang ba ang laman ng iyong panaginip?

Mahal ako lang ba ang sinasabihan mo ng Mahal kita?

Mahal pag magkasama tayo ako lang ba ang iyong tinitingnan sa mga mata?

Mahal pag magkahawak ang ating mga kamay ako lang ba talaga?

Mahal isa ba ako sa mga taong Itinuturing mong mahalaga?

Mahal ako lang ba talaga?

Paulit-ulit na tanong sa sarili ko,kung ako lang ba talaga,

Mahal nag sasawa ka na ba sa relasyon nating dalawa?

Mahal ayaw mo na ba sakin kaya pumupunta ka sa kaliwa?

Mahal pag-magkasama tayo ako lang ba ang laman ng isip mo?

O di kaya naman ay gusto mo nang matapos upang magkasama kayo

Mahal,sabay nating nilabanan lahat ng hadlang sa ating relasyon,

Mahal,Sabay tayong lumaban ngunit mahal,naghahanap ka na ba ng karelasyon?

Mahal,sabi mo ako lamang ang iyong mahal,

Ngunit Mahal,pagtalikod ko lamang ng sandali nalimutan mo na ang iyong pagmamahal,

Lumandi ka na sa iba,ang mas malala pa sa kaibigan ko pa,

Mahal,Akala ko ba walang lokohan,

Nangako ka sa sakin sa sandaling sinagot kita habang ang mga kamay ay hinahawakan,

Mahal,Habang magkasama pala tayo gusto mo ng pabilisin ang oras makasama Lang siya,

Mahal Kung nabasa mo man to sana maalala mo na ako yung taong naging sandalan mo sa panahong wala ka sa iyong sarili at sa panahong ng karalitaan,

Diko man gustong tapusin ang relasyon nating dalawa sapagkat mahal kita,

Pero,ipinaramdam mo sakin na siya ang iyong kailangan sa panahon ng iyong kalungkutan,

Gusto ko kitang yakapin habang nakatalikod at sabihing nandito lamang ako,

Ngunit pinagtabuyan mo akong palayo,

Kaya tumakbo ako ng mabilis habang ang mga Luha ay tumutulo,lumisan ako sandali papunta sa malayo

Gusto ko ng masasandalan at masasabihan ng problema,hihingi ng payo,

Bigla kong naalala yung mga pinangako natin sa isa't-isa,

Tumakbo ako ng mabilis habang  laman ng aking isipan ay muli tayong magsasama,

Natagpuan kita,mag kayakap kayong dalawa ng aking kaibigan,

Nasaksihan ko ang inyong pag-iibigan,

Mahal mo siya sa panahong tayo pa lamang,

Ngunit Mahal Hindi ako nagkulang,tinupad ko ang huling pinangako ko saiyo walang lamang,

Na Kahit mamatay ako Ikaw yung una Kung pupuntahan upang magpaalam,
Kaya Mahal,ang hirap sabihin ng anim na salitang ito Paalam,

Sinubukan kong mabuhay,nilabanan ang kamatayan,

Ngunit nakatadhana ng magpaalam,kasi mahirap na ang aking kalagayan

Nilabanan ko,kasi gusto pa kitang makasama,

Ngunit habang nakikita kitang masaya,habang Siya'y kasama,

Masaya na akong lilisan na hindi ka masasaktan kasi nariyan siya na iyong sandalan

Mahal ito ang laging tandaan,Yung una kong pangako na lilisan ako na Ikaw lamang ang mahal,itatak sa iyong isipan

Wala akong pinagsisihan lahat ng pangako ko natupad ko maliban lamang sa sabay tayong tatanda

Kasi narito na ako,lilisan na sa mundong ito ako'y handa na...

Paalam....

P:s:)Watzup guys another ud na naman si author hope you like it...Uhmm Magandang Gabi o araw Kung kailan niyo to nabasa...Stay safe and Magiingat kayong lagi guys...

And lastly don't forget to vote and comments if I deserve...haha I appreciate it so much... Thank you and love you guys♥♥

Ang Tulang Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon