*P:s:Please Dont copy my work:(
"Nag-mahal ngunit may ibang mahal"
By:DarklovesenAtensyon mo Kay hirap ma sungkit
Ano ba pa ang kulang at bakit?
Ako'y Laging dikit ng dikit
Kahit dignidad ko ay naiipit
Gusto Kong magalit
Ngunit ako'y nanliliit
Puso ko sayo ay napako
Ngunit alam Kung ako'y talo
Sapagkat sa akin ay iba ang trato
Itinuturing mo siyang mababasaging Plato,
Samantalang ako'y isang plastic na baso,
Ako'y pagod na kaso
Sabi nito kaya mo yan puso
Kung tama lamang yung sinasabi nila na kumain ka ng sitaw,
Upang matututong bumitaw
Sandali lamang ako pala yung may kasalanan,
Ako ang gumawa ng aking kapalaranAko ang dahilan ng mayroong kayo
Naging dahilan ng ating pagkakalayo
Kaya ako at Ikaw ay naging malayo
Tayo ay mag kaibigan noon
Ngunit and labo na sa panahon ngayon,
Sabay tayong naglalakad
Magkasama sa anumang gimik at lakad,
Laging ipinagtatangol
Nung sa mga panahong tayo ay mga sanggol,
Kambal tayo Mahirap paghiwalayin
Ngunit bigla siyang dumating sa atin
Siya na iniibig mo sa panahong ito
Kay sakit dito,
Madalas na kayong magkasama
Kahit ang pakiramdam ko'y kay sama
Nagagawang makisama
Sa araw na gusto ko ng magtapat
Sabihin ang mga nararapat
Ngunit Itutuloy pa ba ang dapat
Nung binigkas niya ang salitang "oo tayo na"
Mahal kita ngunit huli na
Kasi mayroon nang kayo
Sinabihan mo Kong lumayo
Kasi nagseselos siya
Ginawa mo yun para Siya'y mapasayaNgayon nakatayo
Sa likod ng pader nagkukubli sa malayo,
Tinitingnan kayong dalawa
Na sa isat-isa Hindi nagsasawa
Binibigkas ang mahal kita
Ayokong makita
Ngunit narito ako'y tumitingin
Kahit ang sakit na sa paningin
Lumipas na ang taon
Nagbago na ang panahon
Ngunit puso ko Ikaw parin ang mahalAuthor Notes:
Hi po sa mga readers ko,Sino po ang may gustong magpadedicated nagbabakasakaling Baka po meron :)
huwag po kayo sanang magsasawang maghintay sa update medyo Matagal kasi nandiyan Si module >___< but love lots guys....Sana magustuhan niyo tong updates ko....All Rights Reserved®

BINABASA MO ANG
Ang Tulang Para Saiyo
Thơ caNiloko,Sinaktan,Iniwan,Pinaasa o Umasa..Na friend zone at kaibigan lang ang Turing para to sainyo.... Dala-dalay panulat Para itong mapanakit na tula ay isulat Hindi man maalamat Ngunit sa inyo parin ay nagpapasalamat Sana'y inyong mabasa Wag nam...