SP13#Wala na ang pagmamahal niya

8 2 0
                                    

"Wala na ang pagmamahal niya"
By:Darklovesen

Humantong tayo agad sa wakas
Parang teleseryeng nagwakas
Ang pagmamahal noon ay kay wagas
Parang di na ako makaalpas
Kasing tamis ng asukal kung ihahambing
Relasyon natin ganon kalambing

Bigla Ka na lamang di nagparamdam
Sana sinabi mo na lang na wala ka nang narardaman
Wala ka ng kahit katiting na pagmamahal sakin
Kaya gusto mo ng tapusin ang relasyon natin
Ngunit ginawa mo ito sapamamagitan ng iwasan
Pagnagkakasalubong sa daan ay nilalagpasan

Tinitext kita kung kumusta kana?,
Nasan ka?,Ba't di ka na nagpaparamdam, nananabik na ako,Bumalik kana
Tapos walang nakuhang sagot
Nangangamba tapos pumasok sakin yung takot
Takot na baka di na ako importante
Takot na baka mabura na yung dati

Ilang araw,Linggo pa ang nagdaan
Patungo na yata to,kung saan
Kung saan isa lang ang pagpapakahulugan
Wala na yung pagiibigan
Wala ka na palang pagtingin sakin kaya pinabayaan
Ang pagmamahal sakin ay wala na at hangad mo ay kalayaan

Sana nagtapat ka sakin na dimo na ako mahal
Para sana yung tulad ko di umaasa sa tulad mong hangal
Ang torpe mo,niligawan mo ko ng masinsinan
Tapos ngayon iniwan mo ko sapamamagitan ng walang pansinan
Kung tunay kang lalaki sana sinabi mo sakin ng harap-harapan
Hindi yung pinaramdam mo sakin na sayo ay wala ng karapatan



Dont forget to vote and comments!!

Ang Tulang Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon