6

36 15 0
                                        

After no'n ay nag order ako ng four burger and fries sa grab. Dumating yun kaagad at si Lorine ang nag received. Habang kumakain ay nag kukwentuhan sila, nakikinig lamang ako sa kanila habang kumakain ng burger.

"Ang tahimik nyong dalawa, baka mapanis laway nyo!" pang aasar na sabi ni Karrence na tinutukoy kami.

"Ang hyper mo ngayon." sabi ko sabay nguya ng burger.

"Syempre,makakasama kita matulog." aniya sabay kindat sa'kin.

Natawa na lang ako at hindi na nagsalita. Habang sila ay patuloy na nagku-kwentuhan. Sumama na rin si Drei sa pakikipag kwentuhan ilang saglit pa.

"Drei, may first love ka na ba?" tanong ni Rence kay Drei.

"Sino bang tao ang walang first love?" sagot ni Drei ng nakangiwi.

"Name drop." tukso ni Rence.

"Ayoko." ani naman ni Drei.

"Sige na, pag hindi mo sinabi mag oovernight ka dito bukas." pamimilit ni Rence.

"Sige, matutulog na lang ako dito bukas."pagsusuko ni Drei.

"Tsk, weak mo pare." ani Rence.

"Siguro andito yun kaya ayaw nya sabihin." sabi naman ni Lorine.

"Ah.. oo nga ano?" tukso ni Rence.

Tumawa na lang si Lorine samantalang si Drei naman ay seryoso ang mukha. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagscroll sa Facebook.

"Hahahaha" tawa ko dahil sa nakita kong memes.

Natigil ako sa pagtawa nang napansin kong nakatingin silang lahat sa'kin.

"Are you have a boyfriend?" Lorine asked me.

"Ang issue nyo ah. Sana nga meron eh." sabi ko at tumawa.

"Kung ganoon,why are you laughing?" tanong nya.

"May nakita lang akong nakakatawa." binaba ko ang cellphone ko at nagfocus na lang sa kanila.

"Kung magkakaroon ng boyfriend si Kwynn, dapat ako yun." sabat naman ni Karrence sabay kindat.

"Nakakadiri kayo." sabat din ni Drei.

"Are you'll done eating? let's sleep. I'm already sleepy." tumayo ako at tinapon ko ang balat ng burger na pinagkainan ko.

"Inaantok na din ako." tumayo din si Drei at tinapon rin ang balot ng burger.

"Tara na kung ganon." si Rence.

"Okay." si Lorine.

Dahil nasa second floor ang mga kwarto sa bahay ni Rence ay umakyat kami patungong second floor.

"Your house is nice." puri ni Lorine sa bahay ni Rence.

"This is not my house,this is a Subdivision. Ganito din ang style ng bahay nila Kwynn." kinuha ni Rence ang susi na nakasabit.

"Oh sorry."Lorine.

"Tara na. Saan tayo?" tanong naman ni Drei.

"Dito." turo ni Rence sa pangalawang kwarto.Binuksan nya yun at bumungad sa'min ang magandang design ng kwarto.

"Wow, dinaig pa ko." bulong ko.

"Syempre." pumasok si Rence at sumunod si Lorine. Sumunod ako at sumunod si Rence na nasa likuran ko.

Kulay sky blue ang kulay ng kwarto. May mga figurines at displays, mga laruan. May dalawang king-size bed din.

"Tabi kami ni Kwynn!" si Rence.

Humiga si Rence sa kama na nasa kaliwa. Humiga naman si Lorine sa kama na nasa kanan. Nasa gitna ang lamp.

"Higa na." aya ni Rence.

"E-eto na."nauutal kong sabi. Hindi ako sanay ng may katabing lalaki except sa daddy ko.

"Kung naiilang ka, sa sofa ako matutulog." Wika ni Rence.

"H-hindi. Ayos lang, ganito din naman tayo noon." sabi ko.

Ngumiti sya. Humiga ako at humarap sa lamp. Para mabawasan ang pagkailang ko.

"Ayos lang ba kung d-dito ang haharap?" tanong ko.

"Ayos lang, kung saan ka comfortable." si Rence.

Napangiti ako. Humiga na rin si Drei at humarap din sa lamp.

"Drei, can you close the lamp? I can't sleep." si Lorine.

"Okay." pinatay ni Drei ang ilaw ng lamp.

At hindi inaasahang nagtagpo ang aming mga mata. Umiwas ako at pumikit. Tulog na sila pero hindi pa din ako makatulog.

Dumilat ako, nakita ko na tulog na silang lahat. Kaya pumikit na rin ako at natulog na.Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ng may humawak sa pisngi ko.

Maybe it's Rence. Didilat sana ako pero nagsalita sya.

"Bakit hindi mo na 'ko naaalala?" sabi nya na pinagtaka ko. Ang boses na yon ay hindi kay Rence.

Pagkatapos noon ay nakatulog na ko.

I love you, CriminalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon