2

44 18 0
                                        


"FUTURE YOURS"

"H-huh?" Nagtataka kong tanong. Adik ata 'tong si Drei.

"Nevermind" ani nya.

"Bakit ka andito? Bakit hindi mo kasabay si Lorine?" Tanong ko.

"Ayaw mo ba akong kasabay?" ani nya habang nagp-pout face. Come on, you can't bribe me with that, Dylan.

"H-hindi sa ganon, I thought kayo yung close so sa kanya ka sasabay, right?" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla syang sumabat.

"Can you please don't mind her?" sigaw nya na ikinagulat ko at nung mga pasahero sa jeep, kahit si manong driver ay nagulat din. Ano bang trip nito? Balak nya ba kong ipahiya? I have a point naman kase.

"Para po" sigaw ko at dire-diretsong bumaba. Nakaka-asar, ang layo pa ng bahay ko dito pero mas lalong hindi ko kayang tiisin na pagtinginan ako ng mga tao at sigawan lang ng hindi ko naman kilala.

Patuloy ako sa pag-lalakad nang may humablot sa braso ko at sa lakas ng pagkakahablot nya ay napayakap ako sa kanya.

"Are you mad? Sorry, I didn't mean to hurt you or to shout on you." si Drei.

"Hindi." malamig na sagot ko at humiwalay sa kanya. Nag dire-diretso na ko sa pag-lalakad at sumusunod sya saken? What the hell? Hanggang sa magkasabay na rin kami sa paglalakad.

"Can I ask?" malumanay nyang ani na bumasag sa katahimikan namin.

"Go ahead" I answered.

"What's your father's name?" he asked.

"Why did you ask?" tanong ko pabalik.

"You're familiar to me and your surname" ani Drei.

"Did we met before? And my surname? Syempre alam mo kase famous ang surname ko." ani ko

"Hindi ko alam pero narinig ko yung apilyido mo sa.." Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nya nang dumating si Karrence, ang childhood bestfriend ko.

"Kwynn, long time no see. Namiss kita. Susunduin sana kita kaso andito ka na pala. Nagluto akong adobo, tara na" ani Karrence. Matagal nawala si Rence dahil nag-aral sya ng 3 years sa France. Childhood bestfriend ko sya, same age lang kami. And good news, magtatransfer sya sa ISM. Excited na ko na makasama sya ulit.

"Long time no see, Rence. Hintayin mo ko kase kausap ko pa yung classmate ko" paalam ko.

"Sino sya?" tanong nya with matching high eyebrows.

"Classmate ko. Mauna ka na, hindi pa kami tapos mag-usap" paalam ko ulet pero hindi pa rin sya umaalis.

"Tara na" aya nya sakin.

Pero hindi pa kami tapos mag-usap ni Drei.
Yun na lang ang nasabi ko sa isip ko. Ayokong tanggihan si Karrence kase matagal syang nawala kaya miss ko na rin sya.

"Sige, magpapa-alam muna ko sa classmate ko" paalam ko kay Rence at lumapit ako kay Drei.

"Sorry Drei. Next time nalang, andito kase yung special person ko eh. Keep safe, bye!" He frowned and left. Nagtaka naman ako sa itsura nya.

"Let's go" ani Rence at naglakad na kami papuntang subdivision na inuuwian namin pareho.

"Type mo ba yun?" tanong sa akin ni Rence na bumasag sa katahimikan namin.

"Hindi ko pa s'ya kilala." sagot ko.

"Ah..." tipid na sagot nya at hindi na kami nag-usap pa until we went straight to my house. Sabi nya sa bahay nya kami kakain, anyare dito?

At Home.

"Mom, we're here" malumanay na sigaw ko upang marinig ako.

"Oh, you're here Kwynn. Long time no see Rence. Take your seats." masayang bati ni Mom.

"Me too, tita." ani Rence.

Ngiti lang ang isinukli ni Mom at kumain na kami. Sayang naman yung adobong niluto ni Rence. After naming kumain, nagpaalam na rin si Rence.

"Thanks po tita, alis na po ako" masayang paalam niya.

"Sige, ingat. Kahit kapit-bahay lang kita" Mom's joked.

"Hahaha sure tita" ani Rence. Kase naman kapit-bahay ko lang yan si Rence.

"Mom, kila Rence muna ko. Wala naman akong gagawin." paalam ko kay Mom. Tumango lang sya at sumama na ko kay Rence.

"Rence, bakit ang tahimik mo?" tanong ko. Hindi ako sanay ng tahimik sya, hindi nya pa rin ako pinapansin simula kanina.

"Namiss mo ba ko?" nagulat ako nang nagsalita sya, mukhang shy pa sya. So cute!

"Yun lang pala eh, syempre oo" Sabi ko sabay yakap nang mahigpit sa kanya.

Naalala ko dati nung may feelings ako for him. Pero ako lang ang nakaka alam, i don't know kung ano ba talagang nararamdaman ko that time pero parang crush lang naman yo'n. At may girlfriend din s'ya noon so i don't have a guts to say my feelings for him.

Agad syang humiwalay sa yakap ko and I didn't even realize.. he kissed me on my cheeks! Bumilis ang tibok ng puso ko bigla.

"W-why did you d-do that?" nauutal na tanong ko sabay palo sa braso nya.

"Because I missed you" sagot nya nang nakangiti.

"Tsk, tara na nga, pasok na tayo" ani ko at pumasok na kami sa loob.

I love you, CriminalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon