Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ginawa ni Drei sakin. Hindi ko naman dapat lagyan ng malisya 'yon pero ano itong nararamdaman ko?Hindi na ko magde-deny pa. Gusto ko na yata sya pero bakit gano'n? Ang bilis naman ng pangyayari. Pero ang gaan ng loob ko sa kanya, I feel like we've met before.
Bumangon na ko at nag ayos, ginawa ko lang yung routine ko tapos umalis na.
Minsan nagsasawa na ko, gusto ko na lang bumalik ng America. Doon ako pinanganak at minsan pag vacation pumunta ako roon. Balak ko rin na doon na magtrabaho at tumira pag nakatapos na ko. There's no reason naman para mag stay pa rito kapag tapos na ako.
As usual, makikita ko na naman si Drei. Dapat ko na syang iwasan, hindi ko alam kung bakit nagkaganito ako kahit nung first day of school lang kami nagkakilala.
Iiwasan ko sya dahil ayokong umasa, umasang gusto nya ko at ayokong maging tanga. No Kwynn, he's just pa-fall lang.
I'm here at school at pumunta na ko sa classroom. Mabuti at hindi ako late, gusto ko nga ring magpalipat ng chair. Ayoko syang katabi, paano ko sya maiiwasan?
Umupo na ko sa upuan ko at nandun na rin si Drei. Mukhang masaya sya, nagkukwentuhan pa sila ni Lorine. Well, I don't care.
Nagstart na ang klase at tahimik lang ako at tulala. Gusto ko matulog pero bawal, sayang tuition ko kung matutulog lang ako sa class.
"Nakagawa ka ng assignment?" tanong ni Drei sakin pero hindi ko yun pinansin.
"Meron kang correction tape?" pangalawang tanong nya pero kada tanong nya ay binabaliwala ko lang.
Natapos ang klase ng maayos. Parang walang nangyareng maganda ngayong araw, hindi ko rin pinansin lahat ng tanong ni Drei sakin. Siguro dapat matuwa ako dahil maiiwasan ko na sya.
Palabas na ko ng school nang may biglang humila sakin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba pero mas lalo akong kinabahan ng nakita ko si Drei ang humablot sakin.
Hawak hawak nya pa rin ang kamay ko kaya piniglas ko yon at hinila ang kamay ko.
"Hey, what are you doing?!" matapang kong tanong.
"Ikaw? inaano ba kita?" malumanay na anya.
"Bakit mo ko hinila? kulang ka ba sa pansin?" ani ko.
"Oo, kulang ako sa pansin dahil hindi mo ko pinapansin. Tinatanong kita kanina ro'n sa room pero hindi mo ko pinapansin. Problema mo?!" galit nyang sigaw sa mukha ko.
"Eh ano naman sayo? Hindi mo ba napapansing galit ako kaya pwede ba lumayo ka na." ani ko.
Tinulak ko sya at umalis na ako. Hindi ko na kaya pang makita sya, baka mapa-amin ako sa kanya nang wala sa oras.
Tumakbo ako umalis kase baka maabutan nya pa ko.
Gusto ko na din sana itapon yung picture na ibinigay nya sa'kin pero umaatras ako lagi. Damn that boy!
Gusto ko sya kalimutan, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.Imposibleng magustuhan ko sya agad eh 2 months pa lang kaming magkakilala, weird diba?
Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko.
Kilala ko na sya agad nang nagsalita sya. Si Drei.
"Ano bang ginawa ko? Putangina." bulong nya sa tainga ko habang nakayakap pa rin.
Halos hindi ako makahinga, parang sasabog na ko .Ano ba tong ginagawa mo?
"B-bitawan mo ko" mahinang tugon ko.
Dahan dahan nya kong pinakawalan at inikot ako paharap sa kanya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko." aniya.
"I can't sleep because of you, fuck." parang bumuga ako ng apoy sa sinabi ko.
That's the truth, hindi ako nakakatulog kaiisip sa kanya. Because I already fall in love with him but I really don't know why.
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko at halata sa mukha nya ang pagtataka.
"Huh? bakit kasalanan ko?" tanong nya.
"Hindi mo ba gets? you're slow. Itanong mo sa pagong!" sabi ko.
Tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla nyang hilahin ang braso ko.
"Deretsuhin mo na." seryosong utos nya.
"S-stupid. I like you.. pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko masagot eh." nauutal kong sabi at parang gusto kong umiyak.
Nakatulala lang sya sa'kin at para bang may iniisip tungkol sakin. Hindi ko na sya hinintay pang magsalita at nagsalita na ko.
"Kung ayaw mo sa'kin, ayos lang. But still I like you so hindi mo ko mapipigilan kung iiwas man ako sayo. Aalis na ko." malamig kong sabi at iniwan na sya.

BINABASA MO ANG
I love you, Criminal
RomansaI Series # 1 [EDITED & ON-HOLD] Kwynn De Chaves, came from a middle class family and studying at ISM. One day, he met Dylan Rei Atienza. Drei have a intelligent mind and aloof personality but he's soft to his love ones. But the day came when he was...