9

36 9 0
                                        

Pagkadating namin sa room ay maingay pa din ito, halos araw araw ganito. Dahil nga laging late ang teacher namin, laging maingay ang classroom pag darating kami.

Hanggang ngayon ay galit pa din si Lorine,  nararamdaman ko. Dahil sa mga kilos nya at sa mga pinapakita nya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin sya, pero lagi silang magkausap ni Drei.

Parang sila na ni Drei pero wala akong pakealam doon. Ang gusto ko lang naman ay yung walang taong may galit sa'kin, I feel guilty.

Umupo na kami ni Rence sa kanya kanyang upuan.

Feeling ko nga wala na kong nararamdaman kay Drei, nalipat na kay Rence, kidding! Pero totoo yung parang wala na kong nararamdaman kay Drei.

Habang nagkaklase ay pumunta muna ako sa restroom dahil syempre alam nyo na 'yon. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Lorine na matalim na nakatingin sakin. Patungo rin syang restroom.

Maglalakad na sana ako pabalik ng classroom at lalagpasan sya ng bigla nya akong tinawag.

"Can we talk for awhile?" tanong ni Lorine kasabay nun ang pagharap ko sa kanya.

"Sure," agap ko.

"Let's talk about Drei and you." mariin nyang sabi.

"Wala na kaming komunikasyon." sabat ko.

"Kahit na, alam mo bang kahit ako ang kausap nya ay ang mata nya ay nasa'yo pa din!" sigaw nya sa mukha ko.

"Pwes, hindi ko alam yon. Ayoko ng away, Lorine. Hindi na ko nakiki alam sa inyo kaya please pabayaan nyo na ko." nakapikit na sabi ko. Nagtitimpi ng galit.

"He tells me.…" dahan dahan nyang wika. Pinipigilan ang luha sa mata.

"He tells you what?" tanong ko, nagtataka.

"He likes you...hindi mo ba yon nakikita? Ang manhid mo naman pala." napa awang ang bibig ko sa sinabi nya.

"What do you mean?" Naguguluhan na ako.

"You're so selfish! Nagseselos sya sa inyo ni Rence. Pwede bang umalis na lang kayo rito sa school na 'to." pagmama kaawa nya.

"Kayo ang mag adjust, hindi ako. Nasaktan din ako noon sa trato nya sakin pero ano, wala syang pake. K-kaya ngayon, wala din akong pakealam sa feelings nya." sabi ko sabay lakad paalis at iniwan sya roon.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit? Bakit kailangan mangyari sa'kin 'to? Love sucks.

Pagkabalik ko ng room ay break time na pala. Nadaan ko kase ang cafeteria at nakita ko dun ang mga classmates ko. Gusto ko sanang dumiretso kaya lang hindi ko dala ang wallet ko.

Naglakad ako patungong room. Narinig kong parang may nagdadabog or what? bakit parang nagkakagulo? tumakbo na ako para makita ko kung anong meron.

Bumungad sa'kin sila Rence at Drei. Naka amba si Rence kay Drei at naka hawak sya sa kwelyo nito. Si Drei naman ay may bangas na.

"A-anong nangyayare dito?" tanong ko.

"Wala, halika na." sabi ni Rence at binitawan si Drei. Hinablot nya ko at hinila palabas ng room. Nilingon ko si Drei na tumayo at tumingin sakin, muli akong bumaling kay Rence.

"Teka lang, ano bang nangyayare?!" tanong kong muli pero hindi nya ako pinakinggan ang nagdere-deretso lang sa paglalakad.

"Wala." yon lamang ang isinagot nya. At pumunta na kaming Cafe.

I love you, CriminalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon